Chapter 14

14 2 1
                                    

Primitivo


Napamulat ako nang biglang tumunog ang orasan sa tabi ko. Halos pikit pa nga ang mga mata ko habang hinahanap ang orasan at nang makita 'yon, agad kong pinindot ang taas bahagi nito para tumigil na ito sa pagtunog. Akmang tatayo na rin sana ako nang mapagtantong parang may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko kaya unti-unti ko itong tinignan.

"A-Ano 'to?" Tanong ko sa sarili nang makita ang malaking braso ni Precioso na nakayakap sa buo kong katawan. "Ang laki ng braso, ang bigat!" Reklamo ko pa sa sarili habang unti-unting inaalis ang braso niya pero dahil nga sa pagdahan-dahan ko, hindi ko magawang tanggaling 'yon!

He suddenly moaned using his bedroom voice that made me stiffened a bit. I stared at the ceiling and sighed deeply and attempted to took his arm away again, but I failed.

Ang bigat ng braso ng mokong! Parang ilang kilo na ata 'to kung titimbangin!

Huminga ulit ako ng malalim at tinignan na lamang ang kabuuan ng mukha niya. Hindi ko maiwasang hindi purihin ang itsura niya dahil sa sobrang kinis at puti ng balat niya. Isama mo pa ang napakatangos niyang ilong at depinang-depina na mga panga niya na para bang naglaan talaga ang Diyos para malikha ang ganitong klaseng mukha.

He's an angel if he's sleeping, but a demon when he's awake.

I just realized that he was wearing nothing on his upper part, revealing how wide his shoulders and how hard his chests are. It is so effortless for him to show-off his body, like it was just accidentally flexed. While me, I don't do exercise. I just eat and eat without minding my health, as long as I can eat three times a day, it's already good for me.

"Am I handsome, Primitivo?" Halos mapatayo ako sa kinahihigaan ko dahil sa biglaang pagsalita ni Precioso! Tumibok ang puso ko ng mabilis dahil sa pati ang boses nito ay halos hindi ko na makilala dahil sa parang napapaos ito!

Handsome? Psh!

"K-Kung aalisin mo ang braso mo sa katawan ko, baka masagot kita sa tanong mo." Halos mapapikit pa ako dahil sa kaunting pagkautal ko. "Ang bigat!" Halos sigaw ko pa na siyang ikinangisi niya lang sa akin. Natigilan ako do'n pero kinalma ko na lang ang sarili ko.

Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit sa tuwing ngumingisi siyang ganiyan ay iba na ang nararamdaman ko? Malayong-malayo sa inis na nararamdaman ko noon kapag nakikita ko siya ngumingisi sa akin! Hindi na ako naiinis, hindi na umiinit ang ulo ko kapag ganiyang ngisi ang ipinapakita niya sa araw-araw!

"No, I love this way. Let me hug you for a minute." Parang may kung anong nangyari sa puso ko dahil sa sinabi niya na halos ikatuod ko na lang rin sa kinakahigaan ko. Na para bang ayokong gumalaw muna at hayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.

Tangina! Iba na 'to!

Naalala ko kagabi na natulog na ako pagkatapos niya akong yakapin, naalala ko rin na niyakap ko rin pala siya pabalik. Hindi ko naman alam na magiging ganito ang posisyon naming dalawa, hindi ko na rin kasi napansin at kapag tulog ako, tulog na tulog talaga ako. Kahit gumalaw man ang katabi ko ng gumalaw, hindi ako magigising.

At ngayon, hindi ko parin alam kung bakit ko siya niyakap pabalik!

"Umalis ka na diyan," tabig ko sa kamay niya, akmang yayakapin niya sana ulit ako nang umayos na agad ako ng upo at lumayo sa kaniya ng bahagya. "Hindi magandang tignan na nakayakap ka sa'kin, Precioso. Baka makita ni Kuya, ano na lang ang isipin no'n." Turan ko sa kaniya na siyang ikinasimangot niya ng kaunti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now