Chapter 8

20 6 16
                                    

Primitivo




"Hey, wait!" Agad akong bumaba sa sasakyan ni Precioso at tarantang papasok sana ng pabrika. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay agad na niya akong nahila papalapit ulit sa kaniya.

"Ano ba?" Sigaw ko sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya ang sigaw ko! Parang wala lang sa kaniya ang pagkakataranta ko habang pabalik-balik ang imahe ng mga taong 'yon na apektado ng sakit sa utak ko! Hindi ako mapakali! Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nangyari kanina sa siyudad na 'yon at alam kong delikadong-delikado na ang Everland dahil sa nakapasok na ang kinakatakutan ng lahat!

"Can you fucking calm down?" Inis nitong turan sa akin na siyang ikinasarkastiko kong pagtawa. Natigilan siya dahil doon kaya nakita ko na naman ang pag-igting ng mga panga niya habang ang mga asul nitong nga mata ay nandidilim nang nakatingin sa akin. Pero wala akong pakialam! Wala akong pakialam! Tangina! Wala na akong pakialam kahit anong klaseng tingin pa ang ibigay niya sa akin!

"Paano ako kakalma, ah? Paano? Ang nakita natin sa siyudad na 'yon ay delikado! Lahat ng mga tao do'n ay nagkakagulo na! Kaya paano mo nasasabi na kailangan kong kumalma kung alam kong ang sakit na 'yon ay nandito na sa isla natin? Paano mo nasasabi ang mga 'yan ah?" Hingal kong litaniya sa kaniya na siyang ikinahinga niya ng malalim. Hindi niya iniinda ang dumi sa kaniyang damit na pati ang mukha niya ay may kaunti naring dungis!

"Fuck! I know, okay? I know! That's why I want to calm you down because we have to make a plan! I don't want those viruses enter our land, that's why you have to help me to make a plan." Seryoso nitong sabi sa akin na siyang ikinatigil ko. Tinignan ko siya sa mga mata na parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Anong sabi niya? Gagawa siya ng plano kasama ako? At ano namang magagawa ng isang tulad niya para mapigilan ang pagkalat ng sakit na 'yon?

"You can't do anything, Sir. You can't do anything! There are no fucking medicines that can cure the virus!" Malakas na sigaw ko.

"But we will try! We will fucking try to save this land and prevent it from being infected!" Sigaw niya na rin sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko na siyang ikinapikit ng mga mata ko dahil sa kaunting sakit.

"Gago ka ah!" Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw dahil sa bigla na lang natumba sa lupa si Precioso. Gulat akong napatingin kay Kuya Primo na ngayo'y nasa harapan ko na habang tinatago ako mula sa likuran niya.

Humarap si Kuya sa akin at hinawakan ang magkabilang-balikat ko at tinignan kung may galos ba ako o wala. Hinawakan pa niya ang magkabilang-pisngi ko para siguraduhing wala akong ni isang pasa.

"Ayos ka lang ba, Tivo? Anong ginawa niya sa'yo? Bakit kayo nagsisigawan? Sinaktan ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya pero agad din akong umiling sa kaniya at humarap kay Precioso na ngayo'y unti-unti ng tumatayo mula sa pagkakasubsob niya sa lupa.

"Why did you fucking punch my face, fucker!" Sigaw ni Precioso na siyang ikinaigting ng mga panga ni Kuya at napaharap sa kaniya. Akmang susugod na naman sana ito nang pumagitna si Pebrero sa pagitan nila na ngayo'y nandidilim na ang mga tingin.

"Anong ginagawa niyo? Bakit dito kayo nagsusuntukan? At ikaw, Primo, sinuntok mo talaga ang anak ng Boss natin? Nababaliw ka na ba talaga, ah?" Malakas na sigaw niya kay Kuya, hindi nagsalita si Kuya at seryoso niya lang tinignan ang dalawa habang pinupunasan na ngayon ni Precioso ang labi niya na may bahid na ng dugo.

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now