Chapter 7

17 7 14
                                    

Primitivo





"Are you hungry? We can eat first before going home." Napalingon ako kay Precioso nang sabihin niya 'yon habang nakatingin sa akin. Kakatapos lang namin ipasok lahat sa loob ng sasakyan niya ang mga karton na siyang may mga laman pala na mga drones at controllers nito.

Kitang-kita na sa noo niya ang pagragasa ng mga pawis at sa buo niyang katawan na para bang kakaligo niya lang sa dagat. Ang damit niyang puti ay may mantsa na galing sa karton at ang jeans niya na parang napunit pa ata dahil sa pagbubuhat niya ng mga karton.

Halatang hindi sanay sa pagtatrabaho ng mabibigat ang isang 'to.

Kinuha ko ang panyo sa likuran ng bulsa ng pantalon ko at lumapit sa kaniya. Hindi siya gumalaw at nakatitig lang siya sa akin na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim.

"Punasan ko muna pawis mo Sir, baka sabihin ng iba na pinapahirapan kita eh ako ang empleyado mo dito." Turan ko sa kaniya, bago pa man siya makapagsalita ay agad ko ng tinapat sa noo niya ang panyo ko na siyang ikinaatras niya kaunti dahil sa kaunting lakas no'n. Sinamaan niya ako ng tingin gamit ang asul niyang mga mata na siyang ikinangisi ko na lang.

"Huwag kang mag-alala Sir Precioso, malinis ang panyong 'to. Mahirap ako oo, pero malinis ako sa gamit at at sa katawan." Dadag kong turan sa kaniya, napansin ko pa ang pag-igting ng mga panga niya dahil sa tinuran ko na siyang hindi ko na lang pinansin.

"I didn't say anything." He shortly uttered.

Habang pinupunasan ang noo niya hanggang sa kaniyang mga pisngi, hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa mga seryosong paninitig sa akin ni Precioso. Hindi ko rin kasi alam kung bakit nagboluntaryo pa akong punasan ang noo niya eh alam ko namang kayang-kaya niya naman 'tong gawin mag-isa! At tiyaka, hindi ko rin talaga kasi alam kung bakit lumapit pa ako sa kaniya para punasan siya, puwede ko namang ibigay na lang ang panyo at siya na ang gumawa mismo.

"Wipe me here too." Inangat niya ang braso at nilukot ang short sleeve ng kaniyang damit. Napalunok ako nang makita ang malaking umbok sa kaniyang braso na alam kong hindi niya naman sinasadiyang ipakita sa akin, o sinasadiya nga ba talaga? Nanliit ang mga mata kong napatingin sa kaniya hanggang sa huminga na lamang ako ng malalim.

And I am fucking regretting this now!

"Akin na." Mahinang sabi ko at inabot ang braso niya. Napaigtad pa ako ng kaunti dahil sa kuryente na namang naramdaman ko mula sa kaniya, kakaibang kuryente at hindi ko maipaliwanag kung anong klase 'yon.

"Are you really doing this, Primitivo?" Bago ko pa man mapunasan ang pinagpapawisan niyang malaking braso ay napatingin na naman ulit ako sa kaniya. Napapalunok pa ako dahil sa hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa umbok sa kaniyang leeg na parang tinuturo ako.

"W-What do you mean, Sir?"

"Nothing, just continue wiping my arm. I'm kinda, liking it." Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil sa pagdaan ng isang truck mula sa likuran ko. Nagulat ako dahil sa ang lapit-lapit nito sa likuran ko!

"Fuck!" Rinig kong mura ni Precioso at hinila ako ng malakas papunta sa kaniya! At dahil sa mas matangkad siya kaysa sa akin, nauntog ang ulo ko sa matigas niyang mga dibdib na siyang ikinalaki ng mga mata ko. At natuod ako sa kinakatayuan ko nang maramdaman ang mga braso niyang nakayakap na sa akin ngayon na siyang mas lalo kong ikinataranta!

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now