Chapter 2

29 8 33
                                    

Primitivo

"Kuya, ako na muna diyan. Doon ka sa kabila, hindi ako marunong maglinis ng makina na 'yon." Turo ko sa isang makina kung saan dinudurog-durog ang mga karne ng baboy para malagay na sa mga plastic packs. Mahirap kasing linisin dahil nga sa may maliliit pa na karneng natitira tapos hindi ko pa gamay ang makina.

"Sige dito ka na lang muna maglinis, ako na do'n. At tiyaka bunso, mag-ingat ka sa mga kutsilyo diyan ah? Matatalim 'yan, madaling makasugat ang mga bagay na 'yan." Tumango ako kay Kuya na may ngiti sa mga labi ko, assuring him that I will be okay.

Pagkatalikod ni Kuya, agad akong humarap sa isang makina kung saan nandoon ang mga patalim. Napalunok ako do'n dahil nga sa parang lagi akong inaakit ng mga matatalim na bagay na hawakan sila.

When I was a child, I still remember those moments that I love touching knives, and gaining lot of cuts after touching them. But every tomorrow morning, my cuts are fastly healing like it was just a sticker on my hands.

Pagkalapit ko ay iniwasan kong hindi maakit sa mga kutsilyo lalo na't maraming mga trabahador malapit do'n. Hindi puwedeng malaman nila na kaya kong pagalingin ang sarili ko, hindi puwedeng malaman nila na kakaiba ako sa kanila. Na may kakayahan ako na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong tao.

"Primitivo! Dito ka, linisin mo 'tong mga karton!" Agad akong napalingon sa Boss ko na siyang agad kong ikinatuod. Hindi ko alam kung bakit pero kapag tinatawag niya pangalan ko ay kinakabahan ako. Hindi man sa natatakot ako pero meron kasing parte sa kaniya na parang kapag tatawagin ka ay dapat mo siyang sundin kung ayaw mong mapahamak. Dapat mo siyang sundin para hindi ka na matanggal sa trabaho, dapat sundin mo ang mga utos niya para hindi mabawasan ang suweldo mo.

"O-Oo, andiyan na!" Sigaw ko rin pabalik, agad akong lumapit at napabuntong-hininga na lamang habang tinalikuran ang nakakaakit na mga matatalim na mga patalim.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad akong sinalubong ng mga seryoso niyang mga paninitig. Napalunok ako ng sandali dahil sa kaba.

Kung tutuusin, mukhang magkasing-edad lang sila ni Kuya Primo, magkasingtangkad at magkasinglaki lang rin ng katawan. Naalala ko no'ng sinabi ni Kuya na magkaklase daw sila noon sa highschool, magkaribal daw noon sa isang babae. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit parang ang init-init ng ulo niya kay Kuya, at sa akin. Mukha kasi dinadamdam pa niya ang mga nangyari sa kanila noon.

"Anong tinitingin-tingin mo, Primitivo? Nasa mukha ko ba ang lilinisin mo?" Masungit nitong turan na siyang agad kong ikinaigtad. Kinuha ko na lamang ang mga pamunas at nagsimulang linisin ang mga karton kung saan nando'n na ang mga karne. Ilalagay kasi ito sa kwarto kung saan napakalamig ng loob, kung saan ipre-preserve ang mga karne para hindi masira.

"Pagkatapos mo diyan, sabihin mo sa Kuya mo na puntahan ako sa office ko." Agad akong napalingon pabalik sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba nang sabihin niya ang mga salitang 'yon na para bang may ginawa si Kuya sa kaniya.

Ano na naman ba ang problema niya at parang lagi siyang may galit kay Kuya Primo? Nananahimik na nga si Kuya tapos lagi niyang ginugulo!

"B-Bakit?" Utal na tanong ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso sa mga mata na siyang ikinatigil ko. Ayaw na ayaw ko sa mga ganiyan niyang tingin, na para bang may kasalanan akong ginawa! Na para bang may mali lagi kapag nagtatanong ako sa kaniya.

"Huwag ka ng magtanong, at huwag kang mag-alala... may ibibigay lang ako sa kaniyang sobre." Seryoso nitong turan at umalis na. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa inakto nito. Lagi talagang hindi maganda ang kutob ko kapag ganito siya, na para bang laging may ginagawang hindi maganda.

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now