Chapter 13

18 4 2
                                    

Primitivo

Agad kong napansin ang pagmamadaling pagbaba nina Pebrero at ni Precioso na siyang agad kong ikinaalerto. Agad akong lumapit kay Precioso para salubungin sana siya pero nilagpasan niya lang ako na para bang isa lang akong hangin!

Aba gago 'to ah? Kanina gusto niya lagi siyang pinapansin tapos ngayon nag-iba na naman ang timpla niya? Bipolar ba ang isang 'to?

"Sir." Madiing tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon sa akin at mas nagpatuloy lang sa paglalakad na siyang ikinahinga ko ng malalim. Agad akong tumakbo dahil sa ang bilis niya maglakad! Ang lalaki ng mga binti kaya ang lalaki ng mga hakbang ng mokong!

"Sir sandali!" Tawag ko rito pero mas lalo lang akong nainis dahil sa hindi niya ako pinapansin!

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko at agad hinawakan ang kamay niya ng mahigpit na kahit alam kong may mararamdaman na naman akong kakaibang kuryente mula sa kaniya! Pero wala akong pakialam!

"Ano bang problema mo?" Hindi ko mapigilang galit na tanong sa kaniya pero sinalubong niya lang ako ng mga malalamig niyang mga mata na siyang mas lalo kong ikinairita.

"Let go, Primitivo." Malamig niyang turan pero umiling lang ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Napapapikit na lang ako dahil sa may kung ano na naman akong nararamdaman na kuryente mula sa kaniya pero nilabanan ko 'yon at tinignan siya sa mga mata.

"Sasama ako." Seryoso ko na ngayong turan, agad nanliit ang mga mata niya at nag-igting ang mga panga nito dahil sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Sasama ako, kahit sa ayaw o sa gusto mo. Sasama ako, Sir." Diin ko pa lalong turan sa kaniya. Pero bigla niya na lang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko ng padabog na halos ikatumba ko dahil sa lakas ng puwersa niya!

"Tangi... ano ba talagang problema mo?" Sigaw ko na ngayon sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya! Napalingon ako sa direksiyon ni Pebrero pero parang nasa labas na siya at naghihintay dahil hindi na siya mahagilap ng mga mata ko.

"No, you stay here. I can't make you feel nervous, do you understand?"

"Mas lalo lang akong kakabahan dito kung hindi ko kayo sasamahan! Gago ka ba? Mas mamamatay ako sa kaba kung hindi ko makikita kung anong gagawin mo! Naririnig mo? Baka mapaano ka!" Hindi ko mapigilang sigaw, habol-habol ko ang hininga ko ngayon habang masamang nakatingin kay Precioso na hindi ko na ngayon mabasa ang ekspresiyon na ipinapakita niya ngayon sa akin.

"Fuck, you're making this hard for me Primitivo! We can do it alone, okay? You don't have to be with us because you're just concern!" Just concern? Tangina ano? Just concern? Is he fucking insulting me?

"Tangina mo!" Sigaw ko sa kaniya na siyang ikinatigil niya, hindi ko alam pero may kung anong kirot sa tanginang puso ko dahil sa sinabi niya! Parang may kung sino ang sumaksak sa puso ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya!

Ayaw niyang nag-aalala ako! Ayaw niyang nag-aalala ako para sa kanila, para sa kaniya! Ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa kaniya? Ganiyan na siya, at hindi na 'yan mapipigilan! Utak niya maliit, hindi na 'yan magbabago pa!

Utak mayaman nga naman talaga!

"H-Hey, Primitivo, jus..."

Epidemic's Last Medicine (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon