Chapter 11

24 5 16
                                    

Primo


"Ang laking bahay, kasiya isang barangay dito ah?" Bulong ko habang tanaw na tanaw ang kabuuan ng loob ng mansiyon. Hindi ko mabilang kung pang-ilang kwarto na ang nakita ko tangina! Lahat magagara! Lahat may kamahalan at karangyaan! Masasabi ko talagang ang mansiyon na 'to ang siyang gustong pangarapin ang lahat dahil kumpleto na lahat dito!

Inang 'yan, nakakainggit kayamanan ng isang Precioso!

Ilang taon kaya natapos ang malaking bahay na 'to? Minsan ko na ring pinangarap na magkaroon ng ganito pero dahil nga sa kakapusan ng pera ay mukhang malabong-malabo. Malayong-malayo ang pangarap ko sa mansiyon na 'to, suwerte ng Boss namin ah?

"Ang ganda baby Ella, noh? Para kang princess dito." Masayang sambit ko kay Ella na inililibot din ang mga mata sa malaking espasiyo ng mga bahay. Ang daming mamahaling vase, may dalawa ring grandeng hagdan na nakakonekta sa ikalawang palapag na may pulang carpet pa talaga para matakpan ang bawat baitang tapos ang gara rin ng mga chandeliers! Lahat ata ng pasilyo ay may ganoong klaseng mga ilaw na halata mo talaga na ang mamahal!

Astig!

"Akin na muna si Ella, magbihis ka na muna." Napalingon ako kay Pebrero na ngayo'y nakatingin sa akin ng seryoso. Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay bigla na lang niyang kinuha sa pagkakakarga ko ang bata.

Napansin kong nakabihis na siya at wala ng dugo sa mga kamay niya. Akala ko nga eh may kagat ang isang 'to, ewan na lang talaga kapag meron.

"Asan ba kwarto mo?" Tanong ko sa kaniya, tinignan niya ako sa mga mata at huminga ng malalim. Anong problema ng isang 'to?

"Kwarto natin." Natigilan ako sa sinabi niya at agad lumingon sa paligid. Napansin kong wala naman si Tivo at si Boss na siyang ikinahinga ko ng malalim. Matalim kong tinignan uli si Pebrero na hindi parin nagbabago ang mga titig niya.

Gago!

"Ano ba Pebrero?" Inis kong sambit sa kaniya.

"Bakit? Iisa lang ang kwarto natin, kailangan mo pa ba ng isang kwarto? Nakakahiya na sa Boss natin."

"Doon ako kay Tivo, doon ako sa kwarto niya." Matigas kong turan na siyang ikinailing niya lang na mas lalo kong ikinainis.

Bakit ba siya lagi na lang ang nasusunod? Akala niya ba nakalimutan ko na ang mga panggagago niya sa kapatid ko? Hindi ko alam kung anong problema niya pero lagi na lang ang kapatid ko ang pinagdidiskitahan niya! Walang kalaban-laban ang kapatid ko sa malaki niyang katawan! Kung walang abilidad si Tivo na magpagaling, sigurado akong kawawa ang kapatid ko dahil sa mga pasa!

"Hindi, sa kwarto na pinili ko ikaw matutulog." Matigas nitong sagot, ikinuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi niya at halatang-halata na talaga ang galit ko sa ekspresiyon ko.

"Nag-aaway po ba kayo mga Kuya?" Biglang nanlambot ang ekspresiyon ko nang sumingit si Ella, agad akong nagkunyaring ngumiti at umiling. Ayokong makarinig ng kung ano ang bata, baka ano masabi ko at magaya pa ni Ella. Ina! Halos makalimutan ko na nandiyan pala ang bata!

"Hindi Ella, nag-uusap lang kami. Bihis muna ako ah? Balikan kita kay Kuya mo." Hindi ko alam kung paano ko pa ikinalma ang sarili ko. Lumayas na lang ako sa harapan nila at pumunta sa pintuan kung saan doon pumasok kanina si Pebrero.

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now