Chapter 3

28 8 40
                                    

Primitivo


It's friday, and everyone are busy buying groceries. Kahit napakaraming tao, nakikipagsiksikan pa rin kami para makabili ng kakailanganin namin sa bahay lalo na't nagkakagulo na dahil sa sakit na kumakalat. Ang iba ay presko lang namang bumibili, ang iba naman ay natataranta, ang iba ay nakikipag-away pa talaga at nakikipagsigawan dahil nga sa gusto nilang mauna sa pila.

"Sigurado ka ba Kuya? Na 'yon lang ang sinabi niya sa'yo?" Kunot noo akong tinignan ni Kuya nang klinaro ko talaga ang nangyari kahapon.

"Bakit, bunso? May ginawa ba siya sa'yo?" Agad din naman akong umiling sa sinagot niya at bumuntong-hininga nalang ng malalim. Mukhang wala naman talaga pala.

"Hindi kasi talaga ako naniniwala na may ibibigay lang siya sa'yo, sa mukha niyang 'yon? Para kasing parati siyang may balak na hindi maganda." Mahina kong sagot na siyang ikinahagikhik ni Kuya. Naiiling na lang itong nakatingin sa akin at sabay hawak sa ulo ko, ginulo pa niya 'yon ng kaunti na siyang ikinanguso ko saglit.

"Huwag kang mag-alala bunso, ang suweldo lang talaga ang ibinigay niya sa akin. 'Yong sobreng puti? Suweldo nating dalawa 'yon at 'yon na rin ang ibinigay ko sa'yo kahapon. 'Yon lang, wala ng iba." I nodded when he said those assuring words, at least he sounds so sure and okay, that's enough to convince me.

I suddenly remember what happened yesterday, that guy with blonde hair! Nasa akin ang polo niya at sabi niya, hindi niya na kailangan ang damit na 'yon pero hindi ako papayag! Ayokong isipin niya na baka kailangan na kailangan ko talaga ang polo niya, na mahirap talaga ako at walang nagawa kun'di ang tanggapin na lang ang polo. Ibibigay ko 'yon sa kaniya, isasauli ko 'yon sa kaniya dahil nalabhan ko na ng maayos at nag-downy pa ako para lang bumango! At tiyaka, baka akalain niya na makapal talaga ang mukha ko at kinakarir ko na talaga ang pagiging dukha!

Psh, I know he is filthy rich and I can't just deny it! Base sa personality niya, he's a spoiled brat, an arrogant kind of man and boastful. Anong gusto niyang mangyari? Na ipamukha sa akin ang kadukhaan ng buhay ko para lang gano'n niya lang kadali ibigay ang mga mamahaling bagay? That polo is branded, I can sense and feel it, especially that thick kind of white silk!

Psh, tubig lang naman ang natapon sa damit niya! Wla namang mantsa, at wala rin namang dumi. Mga mayayaman nga naman talaga!

"Teka Kuya, kukuha lang muna ako ng mga biscuit doon. Kailangan natin 'yon lalo na't hindi tayo nagkakaroon ng pagkakataong kumain sa trabaho lalo na sa panahon ngayon." He nodded and smiled.

"Tama ka, sige kuha ka do'n, kasiya naman ang pera natin." Ngumiti agad ako at pumunta na sa food section ng Hyper Mart na 'to.

Nasa lungsod ang bilihin at malayo-layo sa tinitirhan namin ang lugar na 'to kaya kailangan naming bumili ng maramihan para hindi kami paulit-paulit bumalik sa lugar na 'to. Isang linggo o dalawa bago kami bumabalik dito kaya todo tipid rin talaga kami sa mga bagay-bagay.

"Nasa'n na ba 'yon?" Hanap-hanap ko sa paborito namin ni Kuya. I narrowed my eyes more to find the specific name of the biscuit that I am looking for.

When I was about to step back, I felt something hard that hit my back that made me stiffened like a stick. It feels like a fucking deja vu to me! And suddenly, I sensed a familiar presence that made me more stunned.

"I don't know what's really your problem but you always fucking ruin my shirts. You love messing around, huh?" Mas lalo pa akong natuod sa kinakatayuan ko nang marinig ang pamilyar na malalim at seryosong boses na 'yon mula sa lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot habang napapikit na lang dahil sa nangyari ngayon.

Epidemic's Last Medicine (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon