Chapter 10

14 3 8
                                    

Primitivo





Nalula kaming lahat nang makita namin ang mansiyon ni Precioso. Halos lumuwa ang mga mata ko, at halos mahulog ang panga ko dahil sa sobrang laking bahay na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung bahay pa ba nga 'to o isa ng gusali! Nasa harapan pa kami ng malaking gate pero tanaw na tanaw na naming ang lawak, ang laki at ang lapad sa loob!

 Hindi ko alam kung bahay pa ba nga 'to o isa ng gusali! Nasa harapan pa kami ng malaking gate pero tanaw na tanaw na naming ang lawak, ang laki at ang lapad sa loob!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko alam na ganito kayaman ang isang Precioso, hindi ko alam na ganito kalaki ang mansiyon na sinasabi niya na parang isa ng palasiyo na nakikita ko sa telebisyon. Akala ko hindi ganito, akala ko simpleng mansiyon lang na may malalaki at malalapad na mga dingding pero mukhang lahat kami ay nagulat dahil sa nasisilayan ng mga mata namin ngayon!

Tangina, hindi na talaga bahay 'to!

"That gate will turn into a machine wall, so you don't have to worry. No one can get inside except us, and please, feel free to explore." Rinig naming sabi ni Precioso pero ni isa sa amin ay walang gustong magsalita dahil nga sa parang natulala talaga kaming lahat sa nakikita ng mga mata namin ngayon! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking mansiyon! At ngayon lang rin ako makakapasok sa mga ganito! Akala ko na ang mga gusali na katulad na nasa mga lungsod ang siyang pinakamaganda ng istraktura! Pero grabe naman ata ang bahay nila Precioso!

"O-Okay lang ba talaga pumasok diyan, Boss? Mukhang ang mahal naman makatapak diyan! Libre lang ba talaga?" Turan ni Pebrero habang manghang-manghang nakatingin sa malaking mansiyon... sa napakalaking mansiyon!

Minsan napapansin ko na, na hindi na normal ang mga ipinapakita ngayon ni Precioso. Hindi ko alam pero parang nagbago na ang pakikitungo niya sa mga mahihirap, lalo na sa akin na para bang may kung ano sa kaniya na gusto dapat naming ikatuwa. Hindi na siya arogante, hindi na siya nag-aangas sa mga bagay na meron siya hindi katulad sa mga araw na nakalipas.

Lumabas si Precioso at may kung ano siyang pinindot sa malaking gate na siyang bigla na lang nitong ikinabukas otomatiko.

"Ang ganda po ng house ni Kuya." Katabi ko na ngayon si Ella, ang batang cute na babaeng sinama namin. Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok, matagal ko ng gustong magkaroon ng kapatid na babae kaya parang may kung ano sa puso ko na para bang may humaplos nang makitang nagniningning ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at napatingin ulit sa napakalaking mansiyon.

Hindi man ako kailanman nangarap ng ganiyang kalaking bahay, kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng inggit sa mga mayayaman dahil sa mga malalaking bahay nila. Ang akin lang talaga noon ay ang magkapera para lang makakain kami ni Kuya ng tatlong beses sa isang araw. Magkaroon ng mga damit sa pang-araw-araw at mga bagay na kakailanganin namin sa bahay. Ni kailan ay hindi sumagi sa utak ko ng magkaroon ng magarang bahay pero nang makita ko ang laki ng mansiyon ni Precioso? Para akong nanliit sa sarili ko. Na para bang sinampal ako mg katotohanan na hanggang dito lang talaga ako, na hanggang dito lang ang makakaya ko.

Epidemic's Last Medicine (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon