Chapter 6

21 7 34
                                    

Primitivo

"You have to accompany me in the city, idiot! I can't carry those baggages!" Malakas na sigaw niya sa akin na siyang ikinainis ko kaagad.

"Hindi ko na trabaho 'yon, gago ka ba?"

"Did you just fucking cursed at me?" He fired back but I don't give a shit if he is my Boss!

Inis ko pa rin siyang tinignan sa mga mata habang ang mga mata niya naman ngayon ay nandidilim ding nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking 'to at pati ang trabaho niya ay dapat ko ring trabahuin! Hindi siya ang nagpapasuweldo sa akin at lalo ng hindi konektado sa pabrika ang pinapatrabaho niya kaya bakit ko siya susundin?

"Bakit hindi mo 'ko tantanan, Sir? Bakit ba laging ako ang nakikita mo? At tiyaka, ang trabaho ko ay nandito sa pabrika! Wala sa syudad, naiintindihan mo ba?" Inis na inis na talaga ako sa kaniya at baka pagkatapos ng ilang segundo at sumabog na ang ulo ko dahil sa galit sa kaniya! Pinagpipilitan niya talaga na isama ako sa walang kuwentang bagay!

"Fucker, I am still your Boss! And what I want you to do is you have to fucking follow! Do you understand?" Natigilan ako dahil sa madilim niyang pagkakasabi no'n pero hindi na ako tinatablan sa mga ganiyan-ganiyan niya.

"I won't follow if it's not related to my work, final!" Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko na siyang ikinatigil ko sa pag-alis! Inis ko ulit tinignan si Precioso.

Napapaingles tuloy ako sa katarantaduhan niya!

Nasa opisina niya kami, ipinatawag niya ako para lang sa walang katuturan na bagay. Tapos gagamitin pa niya si Pebrero dahil alam niyang wala akong takas at laban do'n! Malaki ang katawan ng lalaking 'yon at manipis lang ang ako, kahit kaya kong pagalingin ang sarili ko ay tiyak na mararamdaman ko parin ang sakit kapag sinuntok ako ng malaki niyang kamao!

"You will follow my commands, or I will fire your brother." Doon na ako natigilan dahil sa sinabi niya at napansin niya ang reaksiyon kong 'yon. Ang kaniyang pandidilim na ekspresiyon ay bigla na lang nagbago dahil sa unti-unting pagngisi niyang aso.

I gritted my teeth because of what he fucking said, I felt my jaws is now clenching because of what I heard from these fucking guy!

"Huwag mong gagawin 'yan, wala siyang kinalaman sa galit mo sa'kin." Seryoso ko na ngayong turan sa kaniya at pinipilit ang sarili kong kumalma. Gusto kong gawing kamao ang mga palad ko at suntukin siya ng malakas pero hindi ko magawa dahil tama siya, Boss parin siya dito. At ayokong mapahamak ang Kuya ko dahil lang sa hindi ko pagsunod sa gusto niya.

"Then you'll follow me, accompany me in the city and help to carry those baggages. That's it! You're just making it fucking hard knowing that it was just an easy task!" Ngisi niyang turan sa akin na siyang ikinapikit ko na lang. Pagdilat ko ay salubong na salubong parin ako sa mga nakakainis niyang demonyong ngisi, na para bang wala na talaga akong kawala sa mga kamay at paninitig niya.

Tangina niya!

"Dadagdagan mo ang suweldo ko." Nasabi ko na lang na kahit alam kong labag sa kalooban ko ang makasama siya sa iisang lugar ay wala akong magawa dahil wala rin naman akong mapagpipilian. Hindi ko rin kayang ipahamak si Kuya, ayoko siyang mawalan ng trabaho dahil alam kong hanap-buhay niya na 'to at masaya siya sa trabaho niya.

I won't let this spoiled, arrogant and jerk foreigner destroy my brother's life!

"Deal, if that's what you want then I will add some money. Money is not an issue, idiot." Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papalabas ng opisina niya. Pagkalabas namin ay hindi ko na nilingon ang mga kasamahan kong trabahante na alam na alam kong nakatingin sa aming dalawa. Alam kong nagtataka sila ngayon kung bakit hinahawakan ni Precioso ang kamay ko.

Epidemic's Last Medicine (BL)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt