Chapter 4

26 8 32
                                    

Primitivo

Kanina pa ako kinakabahan, natatakot at nanginginig dahil sa mga seryosong paninitig sa akin ni Precioso, ang anak sa isa sa mga bigating Boss ng pabrika. Napapalunok na lang ako dahil sa hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga titig niya, lalo na't sa manipis niyang mga labi. Kanina pa ako nagsasalita, pinapaliwanag sa kaniya ang lahat ng mga pasikut-sikot sa lugar na 'to pero mukhang wala naman siyang balak magsalita. Ni wala rin siyang balak  magtanong kaya mukhang naiintindihan niya naman lahat ang mga sinasabi ko. Sana nga, kasi kung ipapaulit niya sa akin, hindi ko na alam kung makakapagtimpi pa ako sa dami ng sinabi ko sa kaniya.

"Aalis na po ako kung wala na kayong tanong, Sir Precioso." Magalang kong turan sa kaniya, pinipilit na kalmahin ang sarili dahil sa nakakakaba niyang presensiya.

Akala ko talaga matatanggal na ako sa trabaho, lalo na't dahil sa hindi magandang engkuwentro naming dalawa. Akala ko sa mga sumunod na araw ay mawawalan na ako ng trabaho, akala ko ay magsisimula na akong umiyak sa harapan ni Kuya pero mukhang wala pa siyang balak... wala pa siyang balak na sisantihin ako. At mukhang hindi pa naman siya nagsusumbong.

"It's good to hear that you're calling me 'Sir', this time. So pleasant to my ears when someone like you, a poor person in this community, calls me with so much respect." Gusto kong mapapikit dahil sa sinagot niya sa akin. Kanina ko pa kinokontrol ang sarili ko na hindi siya pagsalitaan ng masama, kanina pa ako nagtitimpi na hindi makagawa ng mali dahil alam ko na kapag nakagawa ako ng isang mali ay matatanggal na ako sa trabaho. Pero sinusukat niya talaga ang galit at inis ko! Sinusubukan niya talaga ako!

"May tanong pa po ba kayo?" Tanong ko ulit, pero ang gago ay ngumisi lang! Nagmukha siyang aso sa paningin ko!

Ano na naman ba ang problema ng Precioso na 'to? Kung hindi lang talaga ako mabait, baka nasapak ko na siya at sinipa! Buysit kasi na Pebrero! Pinipilit talaga na ako ang itulak sa putanginang 'to!

"Sir, aalis na po ako kung wala na kayong tanong. Mukhang nakuha niyo naman ang lahat ng mga sinabi ko at mukhang hindi rin naman po kayo bobo para hindi maintindihan ang lahat." Napansin kong parang umigting ang mga panga niya hanggang sa nabura ang ngisi sa mga labi nito. Gusto kong ngumiti ng tagumpay dahil sa alam kong nainsulto siya sa sinabi ko.

Ewan ko ba, mukhang hindi na ako natatakot mawalan ng trabaho. Kapag kasi siya ang kaharap ko, mukhng okay lang na mawalan ng trabaho basta nagawa ko siyang supalpalan ng mga masasakit na salita sa mukha. Mga insulto gano'n.

"You're really a fucking something, you fucker." Turan niya na ikinailing ko na lang ng kaunti. Ito na naman siya sa mga mura niya.

"Remember, you are in my territory and this is my warehouse. If you want to stay, behave yourself." Diing turan nito habang nagsisimula nang magdilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Nilabanan ko lang ang mga paninitig niya dahil ayaw kong magpatalo!

He's the fucker here! Not me! He's arrogant and stupid man who act so high! He thought he's the most superior here! Tangina niya!

"Alam ko po 'yon, Sir, at alam niyo rin kung gaano ako kagalang habang kinakausap kayo ngayon." He frustratedly walked out that made me smile but before he could go away, bumalik na naman ang gago na siyang ikinainis ko na naman. Unti-unti na rin napapawi ang kaba at takot dahil sa mukhang nasisiyahan ako ng kaunti habang iniinis ang gago.

"We're not yet done, you have to go with me later." Tangina!

Before I could complain, he is already gone! Leaving me in so much exasperation! Iniwan niya akong natulala dahil sa sinabi niya na para bang sunud-sunuran niya ako lagi sa mga utos niya!

Epidemic's Last Medicine (BL)Where stories live. Discover now