4

134 10 8
                                    

MAUIE'S POV

"Uyy Doc kailangan mo ng tulong?" Tanong ko kay Doc thea ng maabutan ko syang naglilinis ng Mesa nya dito sa office nila

"Hindi Naman na kailangan, inaayos ko lang naman nga gamit ko"

Isa din kase ito sa may pinakamalinis na gamit dito sa hospital, gusto nya lahat naka arrange.

"Wala kang rounds?"

"Katatapos ko lang"

"Tubig?"

"Mamaya nalang siguro katapos ko. Tinatamad pa kong bumaba sa Canteen ehh"

"Wait ako nalang kukuha para sayo"

"Anong nakain mo?"

"Grabe naman nagmamagandang loob lang naman eh, tinanong pa kung anong nakain ko"

"Ewan ko ah, kase naman sa tuwing magseseryoso ka feeling ko katapusan ko na"

"Grabe naman. Sandali lang Ate huh? Kuha lang kita tubig mo, nakakahiya naman sayo eh"

Iniwan ko muna sya pansamantala at nagtungo ng Canteen para bumili ng tubig. Bumili na rin ako ng makakain namin na snack.

"Anong pwedeng ngatngatin nay?" Tanong ko sa tindera sa Canteen

"Ay ikaw pala Doc. Mauie, meron tayong mga chichirya dyan, may mga tinapay din at may mga tusok tusok din."

"Doon na po ako sa tusok tusok nay, kwek kwek, kikiam, fishball, and squid balls po"

"Sige ihahanda ko lang. Ano nga palang sawsawan?"

"Pa lagay na rin po lahat, plastic nalang po muna sa office ko na po isasalin"

"Sige, ano pa?"

"Tubig po apat"

"Andami naman?"

"Para din po kina Doc Stev, Doc Brielle at Doc Thea"

"Ahh ikaw ang taya?"

"Nag volunteer lang po haha. Nag lilinis po kase ng office si Doc Thea after nyang mag rounds kaya ako na po nag presinta"

"Napakabait naman talaga oo"

"Ay naku nay, don't say bad words"

"Ayy anong bad doon?"

"Hindi po ako mabait, nangangain po ako"

"Naku talagang bata ka oo"

Nakipagkulitan lang ako sa kanila habang inaayos ni Nanay ang mga pinamili ko.

Mas tinatangkilik namin ang mga pagkain sa Canteen kaysa sa magpunta pa kami sa mga Restaurant dito sa labas ng Hospital.

Masasarap naman din ang luto nila at araw araw ay iba ibang ulam ang hinahain nila. Maraming ka ding pagpipilian kaya hindi na kailangan na lumabas pa sa labas.

Maski mga street foods ay meron din sila dito. May mga lumpia, turon, banana que, kamote que, basta lahat meron sila dito.

Naging close na rin kami sa kanila, minsan nga nakakapasok pa kami sa loob ng kusina at doon kami nakikipag kwentuhan. Maituturing ko talaga na isang pamilya ang nabuo ko dito sa loob ng hospital, sa loob ng limang taon na pamamalagi ko dito syempre napamahal na sa akin lahat, mula sa trabaho hanggang sa mga nakakasama ko dito araw at gabi.

Shifting naman din kami dito para kahit papaano ay nakakapag pahinga kami. At para meron din na tumitingin sa mga pasyente kapag gabi na.

Pagbalik ko sa Office ay nandoon na rin si Doc Brielle at Doc Stev at nag kkwentuhan

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now