13

129 11 3
                                    

ALTHEA'S POV

Pinag isipan ko ng mabuti kung anong next step na gagawin ko.

Nasabi ko kay Brielle na kakauyko si Mauie, pero hindi ko alam kung paano ko ito gagawin ng ako lang mag isa.

Kinakabahan ako. At hindi ko alam kung saan ko ito uumpisahan. Bahala na.

Pinauna ko nang umuwi si Brielle dahil nga sa balak ko. Nag Overtime siguro sya dahil hindi ko pa sya nakikitang bumaba dito sa lobby ng hospital.

Hanggang sa mag aala sais y medya na ng gabi ay tyaka ko lang sya nakitang bumaba bitbit ang mga gamit nya.

Ang ganda nya pala talaga, bakit ngayon ko lang napansin? Sa tagal na pagkakaibigan namin bakit hindi ko napansin ang ganitong awra nya?

Napaka simple nya lang din sa pananamit. Kapag dadalaw nga kami sa kanila noon lagi mo lang siyang makikitang naka oversized shirt tapos short, ibang iba sa mga sinusuot nya kapag nandito na sa hospital.

Kinabahan naman ako lalo at hindi malaman kung anong gagawin ko kaya nag pretend nalang muna ko na busy sa aking phone.

Sana ay kibuin nya ko, sana sya ang mag first move kahit na ako naman talaga ang may kailangan sa kanya.

Kaso kabaliktaran ang nangyari. Iba sa inaasahan ko, dahil nilagpasan nya lang ako. Na disappoint ako dahil akala ko kapag ako lang mag isa ay kikibuin nya ko kahit papaano. Pero bakit ganoon.

Nawalan na ko nang pagasa. Kaya inayos ko na rin ang gamit ko. Nilagay ko na sa bag pati cellphone ko at akmang tatayo na ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

It was her. Hindi ko sya napansin dahil nakatalikod ako sa gawi nya.

"Hindi ka pa umuuwi?" Tanong nya "si Brielle?"

"A-ahh pinauna ko na"

"Sino kasabay mong uuwi?"

"Wala, ako lang"

"Do you have car?"

"Meron naman"

Napapatanong nalang talaga ako sa aking sarili kung bakit ganito sya ka concerned sa akin

"Sige" katahimikan ang namalagi sa aming dalawa. Para bang kinakapa kung kailan kami pwedeng magsalita

"Can we talk?"

"You want to go out?" Halos sabay na turan naming dalawa.

"Sure, saan?" Sagot ko kaagad, This is it. Sya naman ang nagtanong kung gusto ko lumabas kaya grab it na agad.

"May malapit na night market dito, you want to try? Or prefer mo sa restaurant?"

"No, no kahit saan naman ayus lang sa akin"

"Are you sure?"

"Oo basta ikaw" shemay Rain bakit dere deretcho yang bibig mo?

"Kotse ko nalang ang gamitin. Balikan nalang natin dito ang sasakyan mo"

"Ikaw mag ddrive?"

"Oo, bakit?"

"Wala naman, tara na"

Sabay na kaming lumabas ng hospital at dumiretcho sa Parking area.

Pagdating namin sa Night market malapit sa Isang Street dito ay naghanap lang kami ng pwedeng pagparkingan, pagkatapos ay naglakad lakad na kami.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Para bang may ilangan sa pagitan namin? Pero bahala na mamaya.

Yan lagi ang nasa utak ko. Salitang bahala na.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now