10

156 8 2
                                    

MAUIE'S POV

Maaga pa lang ay binulabog na kami ng isang balita dito sa Hospital. January 6 palang, hindi pa sila nagtatagal mula ng umuwi sila dito sa Pinas pero ito agad ang bungad.

Hinahanap nya sa amin si Doc Ck at tinatanong kung alam ba namin kung saan sya pwedeng mag punta.

Wala kaming alam lahat about sa nangyayari sa kanila. Bigla nalang nagkaganito sila. I know Ck a lot. Magkaibigan kami kaya alam ko kung anong galawan ng taong yun.

She said na lalayo sya pero isang lugar lang naman ang tutuluyan nya. Yun ay sa condo nya. Hindi muna ko nakialam sa kanila. Hinayaan ko muna sya sa kung anong gagawin ni Jhai para kay Ck.

Pero may sakit si Jhai. Baka makasama sa kanya ang palabas labas.

Kaya kinabukasan ng mabalitaan kong patuloy pa rin si Jhai sa paghahanap sa kanya kaya naisipan kong mag under time muna. Kailangan kong puntahan ang kaibigan ko, alam ko na kailangan nya ng kaibigan ngayon.

Sakay ng sasakyan ay pianandar ko yun kung nasaan ang Condo ni Ck, dito lang sya maglalagi. Dito lang sya magkukulong panigurado.

Pagtapat ko sa pinto ng unit nya ay nag doorbell ako kaagad. Waiting kung may magbubukas ba niyon.

And after a minute narinig ko na nga ang mga yabag nya mula sa loob. Nandito nga sya. Dito nga sya tutuloy.

Nabigla pa sya ng makita nyang ako ito. Hindi nya inaasahan madadatnan ko sya dito.

"Sabi na nandito ka ehh" turan ko

"Paano mo nalamang--?" Nagtatakang tanong pa nya

"Hindi lang tayo magkatrabaho, hindi lang din ako trabahador sa hospital na pag aari nyo. Kaibigan mo rin ako." Putol ko naman sa kung ano pa mang sasabihin nya

"Anong sadya mo dito?"

"Yang puso mo"

"Huh?"

"Papasukin mo muna kaya ako no"

"Sorry, tuloy ka"

Pumasok ako kasunod nya at naupos sa pang isahang upuan habang sya ay naupo sa mahabang sofa

"Akala ko ba Doc eh tinutulungan mo lang si Jhai? Anyare?" Tanong ko kaagad. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa

"Sinong nagsabi sayo?"

"Hinahanap ka ni Jhai sa aming apat, kahapon pa. Kinukulit nya kami kung saan ka pwedeng makita. Ang sabi mo sa kanya magpapaka layu layo ka? Kaya yun ang paniniwala nila. Pero alam ko na dito ka lang magkukulong."

"Bakit daw?"

"Ewan, walang paliwanag. Pero alam ko kung bakit. Pansin ko naman sa mga kilos mo. Kaya babalik ko sayo ang tanong. Bakit?"

"Sa kanya pinana ni kupido ehh"

"Corny mo" biro ko pa para kahit papaano ay gumaan ang usapan

"Tignan mo to, akala ko ba kaibigan kita?"

"Oo nga. Pero hindi pala bagay sayo magpabebe haha. Anong plano mo? Anong plano nya?"

"Hindi ko sya nakumbinsi na mag take ng surgery ehh. Akala ko noong una sapat na yung pagmamahal na ipapakita ko para magbago isip nya. Mukhang hindi pa rin pala"

"Pinakinggan mo na ba paliwanag nya?"

"Same lang din naman ang dahilan nya ehh. Pagod na daw sya at ayaw nya ng masaktan pa lalo ang parents nya" malungkot na wika nya.

"Mahirap nga yan. Kamusta ka naman dito, natutulog ka pa ba? Laki ng eye bags mo ah" pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Sa loob ng dalawang araw ang laki ng pinayat nya

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now