28

139 11 27
                                    

ALTHEA'S POV

Pagka alis ni Mi sa condo ay bigla akong nanlumo. Dapat ba sinabi ko sa kanya? Dapat ba hindi ako nagsinungaling?

Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh. Sa pabigla biglang desisyon ko sa buhay hindi ko na alam kung tama ba ang nagagawa ko or may nasasaktan na kong tao.

Ano nang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya or hahayaan ko na muna hanggang sumapit yung araw ng concert ni Jaden?

Pero hindi ba lalo syang magseselos sa gagawin kong yun? Parang sinabi ko na din na okay lang na magselos sya. After naman nun susuyuin ko na lang sya?

Importante sa akin si Mauie. Pero love life ni Stevie ang nakasalalay sa akin dito.

Nawalan ako ng ganang kumain. Nawalan ako nhmg ganang magbihis man lang. Naupo lang ako sa sofa sa sala habang patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi.

Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko nagawang magluto man lang. Disappointed ako sa sarili ko. Gusto ko syang tawagan pero sure ako na hindi nya sasagutin ang tawag ko.

Maya maya pa ay mag nag doorbell. Sa pag aakala kong si Mauie yon ay dali dali akong tumayo at nagtatakbo papunta sa pinto. Huli na ng ma realize ko na may duplicate key nga pala sya kaya kahit hindi sya mag doorbell ay makakapasok sya.

Pagbukas ko ng pinto at si Ck at Brielle ang nandito. Mukhang maski sila ay nagulat sa dinatnan nila.

"Ay umiiyak ka? Napano?" Tanong agad ni Brielle

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko naman

"Pinapunta kami ni Mauie dito. Sabi nya bonding daw tayo tonight sa condo mo kaya tinawagan ko agad tong si Ck. Si Stevie hindi nasagot ehh"

"Kaya nga may dala dala pa kaming food oh. Pero parang iba ang pag uusapan natin ngayong gabi ahh. Pwede ba kaming pumasok?"

Kalagayan ko pa rin ang iniisip nya kahit na hindi kami maayos na dalawa. Ipaparamdam pa rin talaga nya sa akin na hindi ako mag isa.

Wala na kong magawa kundi ang papasukin sila. Sila na rin ang nagsara niyon habang ako ay pabagsak na naupo ulit sa sofa.

Inilapag pa nilang dalawa ang bitbit na food galing sa isang fast food restaurant.

"Tungkol ba to kay Jaden?" Panimula ni Ck na labis na ipinagtaka ko.

"Bakit napasok si Jaden sa usapan? Ano ba nangyari sayo ate?" Sabat naman ni Brielle

"Paano mo nalaman na si Jaden ang dahilan?"

"So Nasabi na nya sayo? At hindi naging maganda ang pag uusap nyo? Kaya kayo umabot sa ganito?"

Tumango naman ako.

"Wait, ano kinalaman ni Jaden dito? Pwede paki elaborate?"

Nagsimula na kong mag kwento tungkol sa araw na nagkita kami ni Jaden. Napag alaman kong kay Tito pala nanggaling ang balitang yon. Hindi ko sya napansin that day dahil na rin siguro sa sobrang kalutangan ko.

Hindi ko naman sila masisi dahil alam ko naman na nagtatanong lang naman sila. Ang mali ko lang ay bakit hindi ko sinabi.

Gawa ng nandito na rin naman ako sa sitwasyon na ito. Sasabihin ko na rin sa kanila para alam ko ang gagawin ko.

Dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung anong ikikilos ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Mali ba yung ginawa ko?"

"Hindi masama ang tumulong pero sana man lang binigyan mo ng clue si Mau about sa bagay na to. Diba? Ngayon sa amin nasabi ang bagay na yan. Pero kanina sa kanya hindi mo masabi sabi."

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now