18

161 10 2
                                    

ALTHEA'S POV

So ganoon na nga ang ginawa namin ni Mauie buong lunch time. Sa sobrang ka chismosahan ni Brielle ay naisipan pa nyang mag order nalang ng food at sa office nila Stevie kami kumain ng lunch

Ikinwento namin sa kanila lahat ng nangyari kagabi.

Mula sa paghihintay ko kay Mauie sa lobby, sa pagtanong ko sa kanya kung pwede ko syang maka usap, sa pag aya nya sa akin na kumain sa night market, sa pag uusap namin noong una about sa life nya Hanggang sa mapunta kami sa ganitong sitwasyon.

Nalaman din nila na nasabi na rin namin both sides ang tungkol sa amin. Samantalang si Brielle ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"So ano okay na ba? Wala na kaming atraso sa inyo?" Tanong pa ni Mauie na nasa tabi ko

"Ako meron pa" taas kamay ni Brielle

"Hindi ka pa din tapos kakatanong?" Si Ck ang sumagot ng patanong din.

"Hindi pa, bakit hindi nyo nalang sinabi kagabi? May pa suspense pa kayong nalalaman?"

Itinuro ko naman kaagad si Mauie dahil sya naman ang nauna

"Oh bakit ako? Nagpost lang naman ako ehh"

"Yun na nga ehh bakit ganoon pa? Pwede namang kita ang mukha ni ate Thea"

"Bakit ba? Hahaha yun ang gusto ko ehh"

"Tapos kaninang umaga din"

"Hahaha, ano bang problema sa post ko. Hindi mo ba nahalata? Naunang nag post si Ai diba?"

"Sinong Ai?" Tanong pa nito

"Sya" turo nya sa akin. " Diba nag post sya ng passenger princess sya? Oh tapos maya maya nag post dun ako? Doon palang sa sunrise halata na tapos same na damuhan ang labas ng bintana"

"Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yon?" Turan pa nito

"Ewan ko sayo. Masyado kang nag eenjoy sa mga organs kaya hindi mo napansin at nagiging OA ka na" sabat naman ni Stevie

"Isa pa ang cute kase ng reaction mo sa bawat post ni Mauie. Ang kulit haha" Dugtong ko pa

"Akala ko ba kakampi kita ate Thea?"

"Huh? Kailan ko sinabi yon? May sinabi ba kong ganon?"

"Wala na talaga. Mag isa nalang talaga ako sa pamilyang to" reklamo pa niya

"Malay mo naman diba bumalik na sya"

"Huwag mo kong pinapaasa ate. Alam kong hindi mangyayari yon."

"Kawawa ka naman" wika pa ni Ck

"Pareho lang tayo dok, huwag kang ano dyan"

"Anong pareho. Hindi ahh"

"Paanong hindi. Parehong nasa ibang bansa mahal naten"

"Then?" Naka tingin lang kami sa kanila habang nagpapalipat lipat sila ng asaran na dalawa.

Ganito naman sila noon pa. Mas lalo lang nadagdagan ang kakulitan ni Brielle ngayon. 

Si Brielle lang din kase ang may lakas loob na asar asarin si Ck ng malala. Pero alam ko naman na malaki ang respeto ni Brielle kay Ck when it comes to work.

Alam pa din naman ang limit namin, lalo na sina Ck ang may ari ng Hospital na pinagtatrabauhan namin.

"Basta pareho lang tayo"

"Ungas hindi, ako nangibang bansa yung sa akin dahil magpapagaling at iniwanan ako ng salitang "mahal kita" at "babalik ako promise" eh ikaw may ganoong nangyari ba?"

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now