9

120 9 5
                                    

MAUIE'S POV

Sumabay na rin kami sa pamilya Vergara noong umuwi sila ng Manila, gusto pa sana naming mag stay pero may inisip namin yung mga pasyente na naiwan namin sa Hospital.

December 31 ay sinalubong naming pamilya ang bagong taon na magkakasama, then afternoon ng January 1 ay pumasok na ko ng hospital para makapag celebrate naman kasama ang mga batang naging pasyente ko.

It was nice welcoming the 2024 with some kindness and love. Naging abala din ako sa kanila dahil gusto ko maging happy sila.

On this day, wala naman masyadong ganap. Dahil nga bagong taon may mga time pa na tinatamad pa rin akong kumilos. Nasanay ata ang katawan ko sa beach haha.

Hindi pa din nakakabalik ng hospital si Ck dahil nag eenjoy pa sila sa Hongkong.

Ang daya nga ehh. Hindi kami sinama, gusto ko pa man din pumunta ng ibang bansa. Pero okay lang magagawa ko naman din yon soon.

"Alam nyo ba um- attend ako ng fan meet ng Jaden kahapon and god ang ganda nya talaga" wika ni Thea ng madatnan namin sila ni Stevie sa office nila habang nag mimeryenda.

Yun ang bungad nya sa aming dalawa.

"Actually ka kkwento nya lang dakin nyan" wika pa ni Brielle

"Kahapon lang naman kase ako nagkaroon ng time para umattend ng fan meet nya. And i was starstrucked"

"May bago ba?" Wika ko naman

"Wala"

"Fan meet yon pero parang wala man. Parang Pilit pa na nagpa- fan meet sya" turan naman ni Stevie

"Nandoon ka din?" Tanong pa ni Thea sa isa

"Wala"

"Paano mo nalaman?" Tanong ko

"Kalat sa socmed, yung iba kahit ganoon attitude nya walang nagbago. Yung iba naman bina bash na sya dahil hindi man nga lang daw sya nangiti" paliwanag pa nya

"Ganoon naman talaga sya diba? Dapat sanay na ang mga tao sa kanya"

"Pero ang gusto kase ng iba na, bakit hindi man lang daw sya magpaka plastic" sabat naman ni Brielle

"Eh sa ganon sya nakilala ehh, nagpapakatotoo na nga yung tao. Malay ba natin na ayaw nya talagang gawin? Na yun talaga sya?" Pagtatanggol pa ni Thea sa musikero

Wala na nga ata talagang pag asa na magustuhan nya ko. Sino ba naman ako diba? Kumpara sa taong hinahangaan nya. Isa lang naman akong doktor. Kumakanta din naman ako pero sa mga restaurant lang noon. Ngayon na busy na hindi ko na magawa.

"Natahimik ka nanaman" bulong na sita sa akin ni Stevie

"Wala to, wag mo nalang akong pansinin

"Usap tayo mamaya" turan pa nya bago nakigulo ulit sa dalawa.

Sa buong panahon na nandito kami sa opisina nila ay si Jaden lang ang naging topic namin. Minsa napupunta kina Ck at Jhai, pero babalik at babalik pa rin talaga sa babaeng yun.

Maganda naman talaga ang naturang musician, maputi ito na binagayan ng pula nyang buhok ang kaibahan nga lang ay hindi ito pala ngiti, lagi ring may lungkot sa kanyang mga mata kaya bumagabay at damang dama ng mga tao ang mga kinakanta nya dahil sa personality na meron sya.

She was continue making a sad song kaya lalo syang sumikat sa Pilipinas, hindi lang dito maski sa ibang bansa. Paano ko nalaman?

When I was stalking Althea on her Social media I learned a lot of information about her. Laman kase ng newsfeed nito ay ang dalaga. Kahit na meron din syang stan account ay ito pa rin ang makikita mo sa personal account nya.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now