7

119 7 0
                                    

Time skip...

MAUIE'S POV

Bumalik naman sa dati ang pakikitungo namin ni Doc. Thea sa isa't isa, I appreciate her effort na puntahan ako sa opisina ko noon at humingi ng pasensya.

Ang rupok ko na ba non? Haha. Kahit sino naman siguro rurupok sa ginawa nya diba? Sumaya kahit papaano ang puso ko. May sense din pala yung pagtatampo ko haha.

Then ngayon pang ilang araw na namin dito sa Batangas, halos araw araw ay sinusulit namin ang bakasyon namin dito. Minsan sa may pool area kami tapos kapag hapon na doon kami lilipat sa beach para makipag laro naman sa mga pamangkin ni Doc Ck.

Nagulat pa sya ng makita nyang nandito rin kami. Hindi nya ata expect na pati kami ay kasama.

Nang makita ko si Doc. Thea sa cottage na mag isa ay agad ko syang nilapitan. Dapit hapon na ng mga oras na to.

"Ikaw lang mag isa?"

"Yeah, gusto ko magsolo ehh"

Hindi pa man ako nakakapasok ng cottage mukhang legwak na ko. Ang sakit naman crushie cakes

"Alis na pala ako, baka maka istorbo ako sa alone time mo"

Akmang tatalikod na sana ko ng bigla nya kong tinawag

"Maureen"

"Yes?"

"O-okay lang naman na nandito ka"

Palihim akong natuwa pero syempre hindi ko iyon ipinahalata at bumalik papasok ng cottage

"Sure ka?"

"Oo nga. Kanina pa naman ako mag isa dito eh"

"Si Brielle ba?" Tanong ko habang paupo sa bakanteng upuan sa harap nya

"Kasama si Stev. Nililibang pa sya  ng kaunti"

Masyado atang dinamdam ni Stevie ang pag aaway nila ni Jaden kaya hanggang ngayon ay may lungkot pa rin sa kanyang mukha. Halata naman namin yon. Pero hindi namin hinahayaan na mag isa sya. Kaya kapag may oras kami ay nakikipag kwentuhan talaga kami sa kanya.

"Eh ikaw?"

"What's wrong with me?"

"Bakit gusto mo mapag isa?"

"Wala naman. To unwind? It's satisfying hearing the waves, kahit ang kalmado lang nya. Narerelax ako kahit papaano"

"Feel pressured this past few days?"

"I don't know. For five years of serving ngayon lang ako totally napahinga. At parang ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod sa buong buhay ko. Ganito pala kapag walang ginagawa no?"

"Sinabi mo pa, nakakamiss din pala na nagtatrabaho, yung gigising ng maaga para maghanda. Tapos pagpasok sa hospital mag pprepare naman tayo para mag rounds, mga everyday routine ba ng mga doktor"

"Tapos ngayon heto tayo, nakapahinga ng sobrang haba"

Ngayon lang kase kami nakapag leave ng sobrang tagal. As in dati kase ay yung mismong holiday lang kami mag lleave kase kailangan pa rin naman kami sa hospital. Minsan naman ako personally sa hospital pa ko nag ce-celebrate ng Christmas para may mga kasama ang mga pasyente ko.

Kung hindi man pasko, New year ganon. Wala naman din kase akong lilibutan, kung hindi nalang talaga magtatatag ng reunion ang family ko both side ay hindi pa ko gagala kasama sila.

"Okay na rin siguro yon. Sabi mo nga diba? Gusto mo mag unwind?"

Pareho kaming natahimik ay pinakiramdaman ang agos ng tubig mag mula sa dagat, ang huni ng mga ibon at ang tunog ng mga kuliglig sa paligid.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now