19

126 11 1
                                    

MAUIE'S POV

That night nagpunta nga kami sa isang restaurant at doon nag celebrate kami. At first hindi ko alm kung bakit sagot ni Ck ang gastos. Akala ko eh biro lang yung sabi nya kanina. Knowing na nag biruan pa sila ni Brielle, then now. She pays all of our meals.

Until she explained everything. Kaya pala Kasama din namin sina Aj dahil birthday na ni Jhai.

"Kaya pala napaka galante mo tonight, birthday pala ng jowa mo" biro pa ni Brielle sa kanya

"Anong jowa? Walang kami no. Ayaw nya" turan naman ni Ck

"Awtss. Kanina pa pasakit ng pasakit yang mga salita mo ahh?" Turan naman ni Stevie

"Nakaka usap nyo rin ba sya?" Tanong naman ni Ai kina Aj

"Simula nung 20 hindi na nya sinasagot ang mga tawag namin" malungkot na sagot ni Alfea

"Ikaw Doc? Kailan yung last?" Tanong ko naman

"Nung ding 20" sagot naman nya

"Anong say mo?" Tanong pa ni Brielle

"Wala"

"As in wala? Wala kang gagawin ganon?" Pangungulit pa nito

"What do you expect me to do? Magwala ako? Umiyak? Sugurin ko sya kung nasaan man sya? If yun ang gusto nya then go. Na mimiss ko sya oo pero hindi naman ako ganoon ka desperado para gawin yung mga bagay na yon. Siguro kailangan na nya ng oras para sa sarili nya. At siguro naiisip nya na siguro yun na yung tamang oras para putulin muna pansamantala yung koneksyon nya dito." Paliwanag ni Ck sa amin

"Ikaw kase nakapa kulit mo ehh" saway pa ni Ai kay Brielle

"Sorry doc. Nasobrahan na ata ako"

"Ayos lang. Hindi naman sadya at naiintindihan naman kita. Kumain pa kayo. Ngayon lang yan bukas may bayad na yan"

"Ikaw ate Thea anong ganap bukas?" Tanong pa ni Stevie

"Bakit anong meron?" Tanong naman ni Bianca

"Birthday nya rin bukas, magkasunod sila ni Jhai"

"Weh!? Happy birthday ate. Sorry hindi namin alam" bati naman ni Aj

"Ayy salamat, ayus lang naman. Pero grabi ka naman Stev. Hindi pa nga nagsisimula yung araw birthday ko na agad inaalala mo. Enjoy muna natin birthday ni Jhairene"

"Anong balak mo Mau?" Tanong naman ni Ck sa akin.

"Secret walang clue.. edi kapag sinabi ko hindi na surprise kay Ai? Isip naman dok" pagbibiro ko pa

"Tama nga naman, ito talagang si Doc CK oo" segunda pa ni Stev.

"Aba, malay ko ba. Pwede naman nyang sabihin na lalabas sila diba? Edi huli ka na rin. Hina mo naman Mau"

Oo nga no? Expected na niya na may surprise tomorrow. Haysstt napaka tanga naman

"Kahit wala namang surprise. Actually binigay na sakin ni God yung best gift. Advance pa nga ehh" turan naman ni Ai at tumingin sa akin at ngumiti sa akin ng napakatamis

"Aray ang sakit. Nilalanggam ata ako. Hindi ba kayo nilalanggam?" Anas naman Brielle na para bang nagpapagpag pa sa kanyang damit.

"Hindi ako sanay na may ganito sa grupo" turan naman ni Ck

"Inggit ka lang Doc" sabat naman ni Alfea

"Miss mo lang yung sayo. Ganyan din naman kayo noon ni Jhai. Hindi nyo lang pansin" segunda pa ni Aj

"Bugshhh, hindi na ako yun ahh. Sa kanila na nanggaling yon" biro pa ni Brielle

"Ewan ko sayo. Ito kainin mo ohh" sinubuan pa sya nito ng Burger sa kanyang bibig.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now