11

149 11 12
                                    

TIME SKIP...

ALTHEA'S POV

Ilang araw ng hindi nakikigulo sa amin si Mauie. Kasama namin sya pero hindi siya yung Mauie na kasa kasama namin. Wala yung Mauie na laging nang aasar, yung Mauie na laging naka smile, yung Mauie na bubbly.

Gusto ko nga sana syang kamustahin pero nagdadalawang isip ako dahil baka ayaw nyang pa istorbo or ayaw nyang pag usapan.

Kinakausap naman nya kami. Pero hindi yung dating sigla na meron sya sa tuwing kaharap nya kami. Specially me.

Hindi ako sanay na ganyan sya.

Ewan pero lately lagi kong hinahanap yung humor nya, lagi din syang laman ng isip ko. Napapangiti nalang ako ng hindi ko alam sa tuwing naiisip ko sya.

Tapos bigla nalang tumitibok ng napakalakas ang dibdib ko sa tuwing malapit sya. Para din akong tuliro at nalilito sa lahat ng gagawin ko kapag malapit na sya sa akin.

Naiinis na nga ko dahil hindi sya namamansin. Bakit ganito itong aking nararamdaman? Bakit ganito ako sa kanya. Si Jaden ang Crush ko ehh. Dapat nasa kanya lang ang focus ko.

Nasa kanya dapat ang atensyon ko wala kay Maureen. Pero bakit baliktad?

Naramdaman ko lang ang ganitong bagay ng magsimula na syang hidni umiimik kahit na kasama namin sya. Pero yung puso ko matagal nang malakas ang tibok kapag nasa malapit sya. Hindi ko lang pinapansin kase ayaw kong bigyan ng malisya. Lalo na kaibigan ko rin sya.

"Stev can I ask something?" Bulong ko kay Stev habang nakapila kami sa Canteen. Nagpresinta kase si Stevie na sya nalang oorder kaya sinamahan ko nalang sya para maitanong ko na din sa kanya kung bakit nagkakaganito si Mauie

"Ano yun ate?"

"Pansin ko lang this past few days ang tahimik ni Mauie. May alam ka ba?" Tanong ko

"Pansin mo din?"

"So hindi mo alam? Di'ba kayo ang magkasama sa office?"

"Umm, Hindi naman kami masyadong nag uusap din ehh. Baka busy lang talaga ate. Or pagod"

"Baka nga"

"Bakit mo nga pala natanong ate?"

"Hindi ako sanay na ganyan sya ehh"

"Namimiss mo din yung makulit na Ate Maureen?"

"Parang ganon na nga?" Patanong na sagot ko

"Same"

Pagbalik namin sa lugar kung saan kami naka pwesto ay umayos naman ng upo ang dalawa.

Paglapag ng mga foods ay si Brielle naman ang nagtanong

"Maiba ako, hindi pa ba babalik si Doc CK? Wala ba syang sinabi sa inyo?"

"Hayaan nyo muna yung tao baka nagluluksa pa" sagot ko

"Ilang araw na rin simula ng umalis sina Jhairene ng Pilipinas ehh, Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin nya tanggap?" Tanong ulit ni Brielle

"Tanggap nya. Sya nga nagpipilit kay Jhai na mag take ng surgery diba? Sadyang hindi lang sya ready na lumabas dahil sa hiwalayan nila"

Sabat ni Mauie sa usapan. Seryoso sya ng sabihin nya ang katagang ito.

Wait, what if? What if? Si Ck pala ang sinasabi nyang gusto nya na may mahal ng iba?

What if si Ck talaga to at tinatago nya lang at kaya sya nagkakaganito ngayon dahil hindi nya tanggap?

Bigla kaseng nagtugma ang mga nangyayari ngayon sa sinabi niya sa amin noon ehh.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now