14

159 9 7
                                    

MAUIE'S POV

"What if sabihin ko sayong ikaw ang gusto ko, maniniwala ka ba?"

Yun agad ang lumabas sa bibig ko after our conversation. Nagulat pa sya ng malaman nyang sya ang tinutukoy ko.

"See natahimik ka? Di'ba gusto mong malaman? It was you Althea, the person that I really love."

"I-it was m-me? I can't understand. Wait, let me process. How?"

"I'm attracted to you since the first time we met. Crush lang kita noon, at hinayaan ko lang ang sarili ko. Malaya akong nagagawa lahat ng gusto ko kase hindi mo alam. I was clingy to you kung natatandaan mo. Pero nagbago lahat ng yun ng magsimula kang mag idolize kay Jaden. Nahati ang oras mo bilang isang doktor at isang fan girl. Hindi na kita maka usap ng maayos dahil sa laging na kay Jaden ang attention mo. Kaya gumawa ako ng way para mapansin mo. Yun ay sa pamamagitan ng asar asarin ka, na naging dahilan naman ng pag hate mo sa akin."

"Hindi naman kita na hate ahh?"

"Let me finish first, then after that nagtuloy tuloy hanggang naging 3years yang pagiging fan girl mo. Napapansin ko na unti unti mo na syang minamahal bilang sya at hindi bilang Idol. Kase dumarating ka na sa point na gusto mo syang ma meet in person. Okay pa ko noong una ehh. Sabi ko sa sarili ko okay lang at least nakakasama pa rin naman kita until one day I saw you very happy dahil nakadalo ka ng fan meet nya. Doon ko nasabi sa sarili ko na  wala na talo na ko kaya nananahimik ako dahil ayaw ko ng makagulo sayo"

Ang gaan pala sa pakiramdam na nasabi ko na yung halos 5 years ko ng tinatago sa dibdib ko. Now kahit siguro hindi nya masuklian yung pagmamahal kong iyon ayos lang. At least nailabas ko.

"Dahil sa pag iwas mo puso ko naman ang nalungkot"

"What?"

Hindi ko ma gets kung ano ba ang mga sinasabi nya. May hint na ko pero ayaw ko na mag assume

"At first kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo. You are fun to be with. You also make me happy. Until  the day na lagi mo akong inaasar at lagi mong sinisira si Jaden sa akin. Pero ng mga panahong tumigil ka na sa ganoong gawain mo? Namiss kita. Na miss ko yung kakulitan mo at na miss ko yung dating tayo. Tapos bumalik yung dating ikaw na maalaga, yung ikaw na laging nag aalala, at yung ikaw na matulungin. Hindi ko kaagad nakita yun dahil naka focus nga ako kay Jaden that time. I didn't realize your presence. Tapos ngayong nanahimik ka hinahanap hanap kita. I think mahal na kita"

"How about Jaden?" Gustong magwala ng puso ko pero kailangan kong magpigil.

Baka joke joke lang ang lahat. Baka prank lang to.

"Jaden is just my Crush. Jaden is just my Idol when it comes to singing. Bakit hindi na ba ko pwedeng magmahal kahit na may Crush ako?"

"It's a different situation. The way you smile, Kapag sya ang usapan"

"I'll get it haha, nagseselos ka kay Jaden?"

"Of course, kaya nga kita inaasar noon ehh. Kase vakit ako na nandito lang sa tabi mo hindi mo makita, samantalang sya na sa singing industry mo lang nakita naging crush mo na agad."

"Maiba tayo. Kahit medyo kabado. You saying na attract ka na sa akin mula ng una mo pa lang akong nakita?"

Ramdam kong namumula na ang pisngi ko. Mabuti nalang at medyo madilim dito sa pwesto ko, sana lang ay hindi na mahalata

"Umm, ganun na nga"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ano ka hibang? Edi noon pa lang ilang na ko sayo?"

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now