26

151 10 14
                                    

ALTHEA'S POV

Pag alis ko sa venue ay agad akong pumunta kina Mauie. Maaga pa naman kaya naisipan kong doon nalang ako maglalagi.

Sa bahay nila ay nadatnan ko si tita na nagdidilig ng halaman kaya agad ko syang nilapitan para batiin.

"Good morning po tita" masayang bati ko

"Ay ikaw pala hija. Magandang umaga din sayo. Si Mauie nasa loob"

"Mamaya na po ako papasok. Kamusta po kayo?"

"Ayus naman. Ganun parin"

"Maganda pa rin po"

"Aysus. Ang lakas mo mambola hija. Ano ba gusto mo? Nag almusal ka na ba? Napaka aga ko naman ata? May lakad kayo?"

"Ano po ba una kong sasagutin? Haha"

"Ayy pasensya na. Ikaw kahit ano"

"Joke lang po. Umm nag almusal na po ako. Kagagaling ko pang din po kase sa early meeting kanina kaya naisipan ko pong puntahan nalang po si Mi dito. Then may lakad po kami kaso mamaya pa po. Baka dito nalang po ako maglagi"

"Ahh ganun ba? So dito ka hanggang tanghalian?"

"Baka po"

"Ay kung ganoon ipagluluto kita. Alam ko paborito mong ulam"

"Sinigang?" Natutuwang tugon ko pa.

Matagal na rin kase nung last akong kumain ng sinigang, dahil halos sa restaurant kami kumakain ni Mi everyday kung hindi naman ay fast food ang kinakain namin kaya namiss ko rin ang lutong bahay.

"Oo, tatapusin ko lang ito at mamamalengke na ko."

"Salamat po tita"

"Sige na puntahan mo na si Mauie sa taas, ang alam ko naliligo siya kanina. Baka tapos na yun"

"Sige po tita. Maiwan ko na po muna kayo"

Iniwan ko na si Tita at pumasok na ko sa loob ng bahay. Doon naman ay naabutan ko si Vin na bunso nila na nag aaral sa sala.

"Huy, good morning" agad ko sa atensyon nya. Busy kase sya ehh.

"Ay hi ate. Good morning po"

"Wala kang pasok? Pero nag aaral ka dito?"

"Midterm exam po kase. Half day lang po kami. Mamayang hapon pa po ang pasok ko kaya review review po muna"

"Ahh, sipag ahh"

"Syempre po. Inspiration ko po mga ate ko ehh"

"Nice. Akala ko ibang babae ang inspiration mo ehh" pagbibiro ko pa sa kanya.

"Naku ate. Wala pa po dyan ang isip ko. Mag aaral po muna ko. At babawi pa po muna ko kina ate at kina mommy."

"Tama yan. Tyaka na yang jowa jowa na yan. Bata ka pa. Marami pang panahon para sa bagay na yan. Osya maiwan na muna kita dyan ahh? Akyatin ko lang si ate mo mo. Study well bunso"

Lalo ko tuloy na miss yung bunso ko na si Dane. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkakasama. Wala akong matawag na bunso kaya si Melvin na muna ang tinatawag kong bunso sa ngayon.

Umakyat na rin ako sa kwarto ni Mi at hindi na ko nag abala na kumatok pa ng pinto.

Pagpasok ko sa loob ay wala sya sa kanyang kama. Marahil ay nasa banyo pa sya kaya naupo muna ko sa kama nya at nag check ng social media.

Pareho kaming walang pasok ni Mi dahil napagkasunduan namin na magsabay ang pagkuha namin ng day Off. Para magkaroon kami ng time para sa isa't isa.

Actually marami kaming oras para sa isa't isa kahit na hindi kami mag day off pero iba pa rin yung wala kaming ginagawa  na magkasama.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now