24

139 10 5
                                    

MAUIE'S POV

It's our 3rd day here sa isang barangay for our medical mission.

Pinangalanan ni Doc Ck ang Mission na ito na Bloom's Medical Mission na may tagline na "We are Doctors, we are ready to help"

Kada Mission na pinupuntahan namin ay maglalagi kami ng tatlong araw sa anturang barangay na iyon. Yung umaga ng first day namin ay magkakaroon ng mini introduction at kinahapunan non magsisimula na ang check up sa lahat ng pupunta hanggang sa umaga ng ikatlong araw namin at susundan ulit ito ng maliit na programa para sa lahat.

Napag usapan na rin naman namin yon. May ilan sa amin na sasayaw at may ilan na kakanta. Nasa mood namin kung anong gagawin namin sa program na yun. Yun ay para bigyan na aliw ang mga tao sa barangay na iyon.

At ngayon nga ay pangatlong araw na namin dito sa isang maliit na barangay malapit din sa hospital.

Yun din kase ang napag usapan, na magsisimula kami kalapit na barangay tapos unti unti kaming dadayo sa iba't ibang Probinsya kung papalarin at kung Maging successful ang operation na ito.

Hindi sya naging madali lalo na da first day namin. As in dinumog kami ng mg tao. Ang maganda lang sa mga barangay na to ay kawani namin ang mga barangay officials na silang namumuno sa kaayusan ng barangay. At para magawa ito ng mas maayos.

"Kumain ka muna kanina ka pa busy dyan"

Lumapit ako kay Ai para abutan sya ng pagkain. Pansin ko kase simula ng magsimula kami ay naging hands on sya sa nasabing medical mission. Lahat naman halos pero iba yung aligaga nya.

Tulad ngayon. Wala man syang pasyente pero nasa stock area naman sya para i check yung mga dala naming medical needs. Sya talaga anv tumitiyak kung meron pang supply.

"Salamat Mi. Put it in a table nalang po tapusin ko lang ito." Aniya.

Inilapag ko naman ang dala kong food sa mesa. It was sandwich and bottled water, tyaka ko sya nilapitan at niyakap mula sa likod.

Hinalikan ko rin ang balikat nya. Nakasanayan ko ng gawin yun everytime na yayakapin ko sya. Ang perfect lang kase na kahit mas matangkad sya sa akin ay abot pa rin ang baba ko s balikat nya.

"Kanina ka pa dyan"

"Chini- check ko lang tong mga to"

"Bakit pa? Eh last day na natin to dito?"

"Tinitignan ko kung may kulang. Iiwan kase natin tong mga to sa barangay para if kailanganin nila ay may supply sila"

"Pwede mo naman yang pagawa sa mga volunteer nurse ehh"

"Mas gusto ko na ako ang tumitiyak ng mga ito. Mahirap na."

"Are you done? Tulungan na kita para mabilis"

"Tapos na rin naman ako. Nililibang ko lang talaga sarili ko kase kinakabahan ako"

Nagtaka naman ako kung saan

"Saan?"

"About sa performance mamaya"

"Haha, diba nakapag practice naman tayo?"

"Oo nga pero kase ngayon lang ako kakanta sa harap ng maraming tao"

"Sus, ikaw pa? Kayang kaya mo yan. Marami ka ng na meet na mga pasyente same lang naman yun"

"Hindi ahh. Sa hospital pa isa isa lang. Eh dito? Paniguradong maraming tao mamaya."

"Kaya mo yan, trust me. Kasama mo naman ako sa stage remember. Ako guitarista mo ehh"

"What if I failed?"

"And? Ano naman? Hindi naman to kompetisyon para galingan. Ang pinunta natin dito ay para makatulong at magbigay saya sa mga tao. By the way may tech rehearsal po pala tayo later huh? Kaya kumain ka muna baka mapano ka mamaya"

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now