Chapter 2 [Edited]

50.4K 551 12
                                    

POV-Serena

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Ang bwisit kong alarm clock. Mapungay-pungay pa ang mata ko ng bumuka ako at tumingin sa paligid.Napatingin ako sa orasan, alasais na pala ng umaga. Pinindot ko yung off button sa alarm clock at humiga uli sa aking kama. Isinara ko ang aking mga mata at inorasan ang aking sarili. Just give me five more minutes.

Hindi ko man lang naramdaman ang five minutes na dinagdag ko sa pagtulog uli dahil sa narinig ko na ang pag-gising sa akin ni Mommy. Napabalikwas ako ng gising habang nakatingin sa pintuan ng masama. Gusto ko na lang talagang humilata muna.

"Hey darling wake up!" Kinakatok na ako ni Mommy sa pinto. "May pasok ka pa diba? Maghanda ka na at breakfast na. Aalis narin kasi later ang Dad mo kaya mag-ready ka na."

"Mom it's just 6:05 am in the morning!" I want to sleep more. Sobrang pagod ako kahapon because of him. Hindi ko na kailangan sabihin pa ang pangalan niya dahil wala namang ibang pang lalaking papagurin ako ng ganito.

"Darling it's 6:30 am. Wake up sleepy head!" Sumigaw ulit ito at kinalampag ang pintuan ko. Urgh iyong paghiga ko na iyon twenty-five minutes ang lumipas? Ang bilis na talaga ng oras ngayon. This is an disadvantage pag nandito si Mommy sa bahay compared kung nasa ibang bansa sila ni Dad or some other places na pinupuntahan nila ni Dad.

"Yes Mom. I'll be there in 30 minutes." Mahaba na ang oras na 30 minutes na paghahanda sa sarili ko. Tumingin ako sa alarm clock ko. Pwede pa akong matulog for 10 minutes.

"Darling alam kong yan ang gagawin mo, tumayo ka na dyan at andito ang Grandma mo." Mas binalot ko ang sarili ko ng kumot ng marinig ang sinabi ni Mom. Lalo ko pang gustong matulog ngayong narinig kong nandito ang Grandma ngayon. I don't despise Grandma, naiinis lang ako rito minsan. Minsan means pag nagkikita kami. Parati kasi nitong napapansin ang pananamit ko, the way I act and everything else about myself. Lahat iyon napapansin nito. But of course she is still my Grandma, I still respect and love her kahit ganyan siya.

"Yes Mom, I'll be there in a minute." Tumayo na ako na parang zombie at nagpunta sa shower. Binuksan na ko ang shower at muntik na akong mapatalon sa lamig ng tubig. Sa ginagawa kong ito ay mamatay ako sa lamig ngunit magigising naman ako ng sobra dahil dito. Mas mabuti na lamang ito kesa ang antukin uli ako.

After 15 minutes ay maayos na ako mula ulo hanggang paa. I looked at myself in the mirror. Simple lang ang suot ko, nakapantalon lang paired with a cute blue blouse with my favorite blue rubber shoes. Tinali ko na ang natural kong kulot na buhok into a bun style at inayos ko ang eye glass sa paglalalagay sa aking mga mata. Nerd, I know.

This is what I always tell myself na hindi ako maganda. Alam ko naman ito at kontento na ako sa ganitong ayos ko. I'm not like those sexy or sophisticated girls at my school. I'm just a plain Jane. Bago ako umalis ay tumingin ulit ako sa salamin.

"Here my day goes." Matamlay kong sambit sa sarili at kinuha ko na ang mga gamit ko. Nang makababa ay dumiretso muna ako sa sala at iniwan ang bag ko bago pumunta sa dining room.

"Good morning Darling." Bati sa akin ni Dad. Lumapit ako rito at humalik sa pisngi.

"Good morning Dad." Lumapit na rin ako kay Mom and did the same. And lastly with my Grandma. Lumapit ako rito at nagmano. "Good morning Grandma." Sabay halik sa pisngi nito.

"Good morning hija." Ngumiti ito sa akin.

Unusual ito para sa pagdalaw nito ngayon, Grandma just smiled at me at hindi niya pinansin ang suot ko. Wala man lang itong ginawang pangsisita sa akin.

"Grandma may sasabihin po ba kayo?" Hinanda ko na ang sarili ko sa sasabihin niya pagnagkikita kami katulad ngayon.

"Anong sasabihin ko Serena?" Then ngumiti ito. A pleasant one na parang may tinatago ito sa likod ng pagkakangiti nito sa akin.

Wild Beat - BOOK 1 ✔Where stories live. Discover now