Chapter 39

19.3K 310 5
                                    




A/N: next chapter will be the last chapter ;)





POV-Serena



"Serena Xhen Yan! Ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi mong yan? Bakit umabot ka na puntong ganito?" Biglang tumaas ang boses nito. I sighed, alam kong ganito ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko. Now shes sounding like my Mom.


"You have to say yes first to my request." Napa-cross arms siya at nag-isip ng sandali. I knew she will say yes to me. Say yes Rezzy!


"You want me to tell you everything right?" Tumango ito. "Then say yes first." Blackmail na kung kailangan basta't umoo siya sa gusto ko, alam kong tinutupad ni Rezzy ang lahat ng sinasabi niya. I can trust her.

"Your using that against me." Nagkibit balikat lang ako. Nagbunting hininga ito at nagsalita. "Sige tutulungan kita but you have to tell me everything! As in everything Serena!"


"Thank you Rezzy. Kaibigan talaga kita." Ngumiti ako sa kanya at huminga ng malalim. Alam kong masasabihan ko si Rezzy ng kahit na anong problema ko.


"Alam ko Serena, simulan mo na." Umayos ng upo si Rezzy at tinutok ang atensyon sa akin. Napalingon ako sa labas ng coffee shop ng mapansin kong binabantayan ng mga body guards ang lahat ng galaw ko.

Ito ang mga body guards ni Renzo na pinapasunod sa akin kahit saan ako magpunta kung dati ay patago niya akong pinapasundan ngayon ay visible na. Pumayag naman ako sa gusto niyang mangyari basta dumistansya kang ng kaunti sa akin ang mga body guards na mga ito.


"See them?" Lumingon at tumingin siya sa tinitignan ko. Tumango siya sa akin. "They're my body guards na pinapasunod sa akin ni Renzo why? Para bantayan ang lahat ng galaw ko at para ma secure ako dahil noong nasa party tayo malapit na naman akong ma-kidnap pero nailigtas din naman ako." Unti-unti kong sabi sa kanya na i-ready ko na ang tenga ko sa sasabihin niya.


"What? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? May nangyari ba sayong masama kaya nawala ka ng isang linggo? Bakit hindi mo ako agad sinabihan!" Sumenyas ako sa kanyang tumhimik muna at hindi pa ako tapos magsalita, tumahimik naman agad ito. Napabuntong-hininga na lang ako dahil interesado talagang makinig si Rezzy.

"Wag kang mag-alala parati na akong nakikidnap pero hindi naman natutuloy parati, at iyong gabing iyon ay iniligtas ako ni Tyron sa mga goons at sa kanya ako sumama ng isang linggo. Oo sa kanya ako sumama dahil ng oras na iyon ay hindi ko kayang harapin si Renzo at hindi ko siya kayang kausapin." I sighed. Parang muling nag-replay sa utak ko ang mga nangyari and still at this moment it hurts more and more.

"Renzo is having an affair with Heidi. Yes this is not new but now their relationship is getting serious. Hindi ako kayang mahalin ni Renzo at kailan man hindi niya ako gugustuhin. I'm thinking that he may love Heidi or maybe not pero mas gusto niya si Heidi kumpara sa akin." Tumigil muna ako magsalita at tinignan ang reaksyon ni Rezzy ngunit nanatili lang itong nakatingin sa mukha ko.


"How can you say that?" Mahinahon niyang sabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng mapait.


"Nang gabing iyon, may nagtext sa akin na pumunta sa balcony at saktong nakita ko si Heidi and Renzo making out. Parang sakto ang lahat para sa akin, saktong nakita ko sila, kitang-kita ko ang ginagawa nila at nag-usap pa sila tungkol sa akin. Sinabi ni Heidi na hindi naman ako mahal ni Renzo and I saw that very moment Renzo agreed to all the things she said."


"Hindi ka man lang ba nagduda sa kinilos ni Renzo? Hindi mo man lang ba siya tinanong?" Gusto kong matawa, isang mapait na tawa para sa sinabi niya.


Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon