Chapter 33

18.2K 302 7
                                    




A/N: Nga pala I have new story, ang title ay Chains that bind us. the genre is romance and fantasy. A devil and angel love story. :) sana mabasa niyo! thank you so much.





POV- Serena



Sobrang naka katamad lang dito sa hacienda, wala naman kaming ginagawa kundi tumambay sa mansyon. Hindi rin ako masyadong pinapansin Renzo as usual parang hangin pa din ako sa kanya, napabuntung hinga ako.

Nilalaro ko na lang ang mga bula na nasa harapan ko ngayon, nagbababad kasi ako ngayon sa bathtub since wala naman akong magawang iba. wala rin aksi akong ginawa sa buong araw kundi ang magbasa lang ng libro sa library ni Grandma. Ang saya nga kasi namiss ko na din ang library dito sa mansyon, marami kasi akong mga importanteng alaal sa libary na iyon. Noong bata pa ako doon ako tumatambay para magbasa ng mga fairytale books at dati parati kong kasama si Renzo doon.

Hindi ko rin alam dati kung bakit sinasamahan niya ako doon dahil wala naman siyang ginagawa, hindi naman siya nagbabasa ng fairytale books. Alam kong dati napipilitan lang siyang samahan ako since binilin siya ng mga parents niya kay Grandma.

Naaalala ko pa dati ang napakapilya kong ginawa noong mga bata pa kami ni Renzo. Napahagikhik ako sa alaalang iyon.

Alalang-ala ko pa noon na nagbabasa ako ng sleeping beauty na fairytale book. Masa parte ng ako ng lubro kung saan natutulog ang Prinsesa at dumating ang Prinsipe at hinlikan nito ang Prinsesa. Sa puntong iyon ay nagising na ang Prinsesa dahil sa haluik ng Prinsipe rito.

Nakaupo ako sa lapag habang nagbabasa ng libro, napatingin ako sa larawan na nakayuko ang prinsipe upang mahalikan ng prinsesa. Sa mura kong isip, tumatak sa akin na kung hahalikan ko ang Prinsipe ko ay magigising siya at masisiyahan siya sa ginawa katulad sa nangyari sa sleeping beauty.

Binaba ko ang librong hawak ko at tinitigan ng maigi ang mukha ni Renzo. Laking gulat ko na lang ng sobra ko na palang nailapit ang mukha ko sa mukha niyang natutulog at nagkalapat na ang mga labi namin.

Ang alaalang iyon ay bumalik lang sa akin noong nasimulan ko na siyang gustuhin at mahalin. Hindi ko naman akalain na ginawa ko talaga iyon kay Renzo, mabuti na lang at tulog siya ng oras na iyon at nakatakbo na ako palayo sa kanya habnag hindi pa siya nagiging sa oras na iyon.

Doon ko lang napagtanto na si Renzo pala ang first kiss ko at pinagdarasal ko na siya lang hanggang sa tumanda at huling hinga namin. Napabuntunghinga na lang ako sa naisip ko.




Lumabas na ako ng c.r ng mapansin ko ang isang summer dress paired with doll shoes na nakalatag sa dress sa queen size bed ko. Napatingin ako sa naka-attach na sticky note doon. Doon ko lang napansin may may isang rose din na pulang-pula. My favorite flower.

"Wear this"

Hindi na ako nag-atubuling mag-isip na si Renzo ang nagbigay nito since handwriting niya naman ito. Pero bakit niya pinapasuot sa akin ito? Siya talaga ang naghanda ng mga ito? Kinuha ko ang sticky not na naka-attach doon.

Mabilis akong nag-ayos sa sarili ko. Nang lumapit na ako sa salamin para tignan ang kabuuan ng ayos ko ay napansin kong may nakadikit na namang sticky note sa salamin.


"Tie your hair."


Ipitin? Bakit niya pinapaipit ang buhok ko eh dati nga ayaw na ayaw niyang nakaipit ang buhok ko. Napakunot ang noo ko, ano bang nangyayari? Inipit ko ang buhok ko pataas at kinuha ang nakadikit na sticky note at isang rose doon.

Napaisip talaga ako bakit sunod-sunod na may sticky notes? May pinaplano ba siya? Napangiti ako. I feel kinda excited about this.

Kukunin ko na sana ang eyeglasses ko para suotin ng mapansin kong may nakadikit na namang sticky note doon.


Wild Beat - BOOK 1 ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن