Chapter 14

26.7K 325 5
                                    

A/N: 

Sobra talaga akong natatamad magsulat dahil sa sobra ko din raming gagawin pero hindi ko mapigilan ang hindi mag-update dahil na rin sa mga request. Sobrang natutuwa naman ako at nagustuhan niyo ang storyang ito.

Hindi ko lubos na mag-cli-click ito. Dahil dyan hinahandog ko ulit ang chapter na ito. Maraming salamat readers. Love you all with my heart :*

Comment afterwards?

POV- Tyron

Nakaw tingin
Sumasabay sa hangin
Sabihin mo sa kin
Anong kailangan kong gawin

"Hey why are you crying?" Napatingin ako sa batang babaeng kaedad ko lnag na umiiyak na nakaupo sa damuhan. Hindi ata ako nito napansin dahil umiyak padin ito at pinapahid nito sa mga mata nito ang mga kamay nito. 

Minabuti kong umopo na rin sa tabi nito. Para sa isang batang lalaking katulad ko ay hinantay na lang itong tumigil sa pagiyak dahil alam kong wala rin akong magagawa. Kaya nakatingin  lang ako dito.

"W-why are you look-king a-at m-me?" nagsalita pa ito ng hindi maayos dahil sa sipon nito. Nagkatinginan lag kaming dalawa.

"You won't stop crying" I told her. Nagulo ang kulot nitong buhok na nakaipit ng ponytail at nakabestida ito ng kuay pink.

"Masakit kasi." parang maiiyak na naman ito.

"Ano bang masakit sayo?" tumingin ako ng tinuro nito ang tuhod nitong may galos.

"bakit ka nagkaganyan? " hinipan ko ang sugat nito dahil iyon ang turo ni yaya sa akin na mawawala daw ang sakit paghinipan ang sugat o galos.

"Sinundan ko kasi iyng paru-paro tapos nadapa ako then the girls l-laughed a-at m-me." She started again to cry.

"You want my loliipop?"  Hindi ko sana gustong ibigay iyong lollipop na nasa bag ko kasi once in a week lang ako pwedeng kumain ng candy sani Mommy kaya lang naawa naman ako sa umiiyak na bata.

Tumango ito sa akin at inabot ko ang lollipop rito ng nakabukas na. Ngumiti ito ng malaki na para bang hindi ito umiyak kani-kanina lang, the way her eyes twinkled when she looked at me. 

Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki at niyakap niya ako at tumawa and that made me smile. It made me smile that someone appreciates my effort even it was that small.

Upang malapitan, mamasdan, at mahawakan
Taglay mong kagandahan

Simula ng araw na iyon, pinangako ko sa sarili kong babantayan ko siya at proprotektahan. Dahil sa kanya nagbago ang pananaw ko sa buhay, that even little things matter. habang tinitignan ko siya unti-unti akong nahuhulog ng hindi ko namamalayan.

But I left and promise to be back again when the time is right. I left her cause I thought that maybe when I get back, I could finally pursue her. But then I was too late, damn too late.

She was in someone's arm's now. 

Abot kamay ang langit
Gayumang taglay ng awit
Abot kamay ang langit
Abot kamay ang langit
Haplos na dala ng tinig
Abot kamay ang langit

Lumapit ako kay Serena, napatingin ako sa bruise sa katawan nito na unti-unti na ding natatanggal dahil sa ointment na niagay ko. Tuwing naaalala ko ang ginawa ng mga tarandong iyon sa kanya ay gusto ko silang patayin.

Now I looked at her sleeping soundly like an angel. Abot kamay ko na siya pero pakiramdam ko ang layo-layo niya pa rin sa akin  na kahit anong gawin ko abot sa kanya ay wala parin kwenta. I wanted to protect her all the time pero hindi ko magawa.

Nais kong abutin
Kislap ng mga bituin
Sapyo ng umaga sa hardin
Anong kailangan kong gawin

My first love, the liitle girl has growned up. I always knew she would grow up beautifully and perfectly. 

Yes, the little girl is Serena.

________________________________

POV- Serena

Nagising ako sa mabagong amoy ng ulam. Nagugutom na ata ako.

Napatingin ako sa paligid, unsual ang lugar na ito. Sa amoy pa lang ng kwartong ito alam kong isa itong kwarto ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Bumuhos ang ang mga luha sa aking mga mata. Anong ginawa nila sa akin? Niyakap ko ang sarili ko.

"Calm down, calm down. Okay na ang lahat. walang nangyari okay?" Lumayo ako sa nagsalita. "Ligtas ka na, si Tyron ito Serena." Napatingin ako dito habag may luha pa sa mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Aka-la ko-o, a-akala k-ko.." Hindi ko mapigilang humagolgol dahil naalala ko iyong ginawa nila sa akin.  I feel so dirty.

"Ssshhh, walang nangyari kanina, pinatalsik ko na sila sa school. Wag ka ng mag-alala hindi ko hahayaang makalapit pa sia sayo. They will not dare cause I will kill them." napatingin ako rito na pinapahid ang mga luha ko sa mata.

"Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil sa ginawa nila sa akin." sinubsob nito ang ukha ko sa dibdib nito. 

"Don't say that. Okay? walang nangyari, please huminahon ka na." Huminga ako ng malalim at lumayo rito ng kaunti.

"Tyron, salamat. Salamat sa pagligtas sa akin kung wala ka siguro.. siguro..." hindi ko magawang matapos-tapos ang sasabihin ko.

"I will always be here for you parati mo yang tatandaan. Proprotektahan kita kahit na anong mangyari." Napatingin ako rito, mababasa ko ang sinsiridad nito. "kaya mo na bang tumayo? no need kakargahin  na lang kita para makakain na tayo at alam kong gutom ka na."

bago pa man ako makapagsalita ay nabuhat na niya ako. hindi na lang ako kumontra dahil masakit rin ang aking katawan.

Binaba niya ako sa upuan ng dining table, nasa condo niya pala kami ngayon. Sinabi na rin nitong nacheck na daw ako ng Doctor at galos at pasa lang naman ang natamo ko. 

Napatingin ako kay Tyron na kumakain, muntikan na kaong marape kanina pero dahil sa kanya ay nakaligtas ako. Niligtas niya ako sa kapahamakan. 

He was there for me, pero si Renzo? ni anino niya di ko man lang nakita. Hindi man lan ba siya nag-aalala sa akin? Malamang hindi, dahil kung oo wala ako ngayon rito.

"O ayaw mo ba ng pagkain na niluto ko?" napatingin ako rito.

"Huh? hindi naman I mean gusto ko kaya lang wala ako masyadong ganang kumain." kinuha nito plate kong may steak at hiniwa iyong ng pira-piraso.

"Hey, hindi mo na kailangan iyang gawin. kaya ko naman." inagaw ko ang plate ko pero tapos na nitong mahiwa ang lahat.

"I want to do this for you." Napaka-seryoso ng mukha nito.

"Sobrang hiyang-hiya na ako sayo. Salamat sa lahat Tyron." 

"Basta para sayo gagawin ko." Nagwink pa ito sa akin. Simulan ko ng kumain at binalik na rin nito ang tingin sa pagkain.

"Ang swerte ng babaeng makakatuluyan mo." Bigla kong sabi well totoo naman talaga. Bukod sa sobrang mag-alaga, secure nasecure ka at marunong pang magluto.

"Bakit mo naman nasabi?" Napatingin ulit ito sa akin.

"Kasi napaka-caring mo, mabait, matalino, marunong magluto at maganda ka namang lalaki. ano pa bang hahanapin ng babae sayo? sayo na ata ang lahat eh." Ngumiti ako rito, pansin kong namula ito ng kaunti.

"Magugustuhan ba ako ng babaeng gusto ko?" seryoso nitong turan.

"Bakit naman hindi, ang swerte nga niya sayo eh." Nagwink pa ako rito para ma-emphasize.

"Ikaw gusto mo ba ako?"

Wild Beat - BOOK 1 ✔Where stories live. Discover now