Chapter 19

21K 285 6
                                    



POV-DEVON



Damn! Bakit ba siya tumakbo?



"Your so dense Baby boy." Napatingin ako sa nagsalita.

"Dense? George I don't understand you." ako pa naging dense ngayon?

"Hindi talaga ako sanay na ganyan ang tawag mo sa akin pero sige na lang para wag magmukhang matanda ako sayo ng dalawang taon. Anyway dense ka nga talaga, habulin mo na ang asawa mo bago pa mahabol ng iba." Anong ibig sabihin niya?

Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla akong mapatayo. Tumakbo na rin ako para habulin si Serena, pakiramdam ko may sariling utak ang mga paa ko at hindi ko magawang kontrolin ang alam ko lang kailangan ko siyang mahabol pero huli na ako dahil ni hindi na siya mahagilap ng mga mata ko.



Kaya minabuti ko na lang na umuwi sa bahay dahil baka nandoon lang siya at hinihintay lang ako pero ng makarating na ako sa bahay walang Serena ang sumalubong sa akin. Walang ni isang ilaw na bukas kaya ibig sabihin ni hindi siya dumaan dito.



Saan naman kaya iyon nagpunta?



One hour passed..





two hours passed..





3 hours passed..





Wala paring Serena na lumilitaw sa bahay kahit ang cellphone niya ay di ko macontact dahil nakapatay.

Dense ka nga talaga, habulin mo na ang asawa mo bago pa mahabol ng iba.

Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni George. What does she meant by that sentence?

Bigla kong narinig ang pag-click ng pintuan, ibig sabihin ay may pumapasok na sa loob. Dahil sa nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa lamp na nasa tabi ko ay naaninag ko na si Serena ang pumasok.



"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya na napansin kong pasuray-suray na ng paglalakad. Nakainom ito.



"Renzo *hik* ahndhitho *hik khha *hik* na *hik* phhallla *hik* khaalla *hik* ko *hik* k-kasi *hik* khashama mho iyong mhagandhang bhabhae *hik*."

dahil nga sa lasing ito ay kunti lang sa sinabi nito ang naintindihan ko pero nakuha ko agad ang pinupunto nito.

"Bakit ka ba naglasing? sino kasama mo? bakit mo ako iniwan kanina?" Pero kahit nagsasalita ako ni hindi man lang nito ako pinansin at nagsalita lang mag-isa.

"Nakhalimuthan mo na ako-o *hik* paharharati na lhang *hik* hang ghanda nhong bhabhae noh? *hik* whalang whala ako *hik* sa khanya " *hik* Napatingin lang ako sa kanya habang nakatingin sa akin na ang mga mata ay namumungay.

"Are you jealous?"

"Jealous? *Hik* me? no way *hik* kung ghusto mho doon kha nha lang sa bhabhaeng yon ehhh. *hik* "

"She's my cousin." Oo nga pala hindi niya kilala si George.

"See? *hik* KHASIN-THAHAN mho phala siyaaa." Napahawak ako sa noo ko.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa babaeng ito. Nagseselos nga ba siyang talaga?



"Let's get you to bed." Pinasan ko na siya at amoy na amoy ko ang alak sa kanya.



"Renzo why can't you love me? Am I not good enough?"

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon