Chapter 6 [Edited]

30.5K 408 7
                                    



Magdo-door bell ba ako o bubuksan ko kagaad tong pinto?

Kanina pa ako nakatayo dito sa haparan ng pinto ng condo ni Renzo. Umurong na ata ang confidence ko kanina lang excited na akong makita siya ulit. Pero ngayon, ito lang naman ako sa harapan ng pinto niya at nag-iisip kong mado-door bell o gamitin nalang ang binigay niyang  susi sa akin.

Binigyan niya kasi ako ng susi sa condo yung duplicate key  para hindi na daw ako magdoor bell at mambubulabog sa kanya para lang makapasok ako. Bubuksan ko na lang baka magalit pa siya sa akin eh binigyan na nga ako ng susi.

Hinawakan ko ang handle ng pinto ng maramdaman kong bukas ito. Hindi niya nilock ang pinto samantalang pagpapasok ako dito dati parating nakalock dahil baka sino na lang ang pumasok o baka pumasok ang mga babae niya.Agad kong inalis sa utak ko ang naisip at huminga ng malalim.

Sa wakas pumasok na talaga ako sa condo niya. Unti-unti kong sinara ang pinto at tumingin sa paligid. Napatigil ako sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng makita ko siyang naka-upo sa bar counter at nakatalikod ito sa akin. May own kasi siyang mini bar sa bahay niya.

Anong ginagawa niya? Umiinom ba siya?

Nasagot ang tanong ko ng makitang kong pinaikot-ikot nito sa kamay ang basong may lamang alak. Kanina pa kaya siya naghihintay sa akin?

"Bakit ngayon ka lang?" Bigla ito nagsalita habang nilalaro parin nito sa ang baso sa kamay. Habang ako naman ay naestatwa sa may pintuan. Paano niya nalaman ako ito samantalang nakatalikod naman siya sa akin?

"Ano kasi.. natraffic kasi ako." Pero ang totoo naman talaga ay kanina pa ako sa labas ng condo mo at hindi lang pumasok sa loob dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko sayo. Pero syempre hindi ko yun sinabi, sa loob-loob ko lang.

Bigla siyang humarap sa akin at tinitigan ako. Yung malalim na titig na parang matutunaw ako ano mang oras.

"Traffic ba o gusto mo lang makaiwas sa akin?" He was still looking at me intently na para bang doon niya makukuha ang inaasahan niyang sagot ko.

"Speechless?" Inilapag nito ang baso at unti-unti tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Habang ako ay nakatitig parin sa kanya at hindi makapagsalita. Pakiramdam ko hindi ko maibukas ang bibig ko upang makapagsalita kundi the whole time na papalapit siya sa akin ay nakatitig lang ako sa mapanghinotismo niyang mata.

Pakiramdam ko two inch na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko pero dahil sa matangkad siya kailangan ko pang itaas ng kaunti ang ulo ko upang matitigan ng masinsinan ang mukha niya.

"I miss you." Amoy alak ang hininga niya pero ang bango padin para sa akin. At ang pabango niya nakakaliyo na kahit dito na lang ako nakatayo habangbuhay okay lang basta kasama ko siya at naaamoy ko siya. Pero ano daw? Tama ba ang narinig ko o nabibingi na ako dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"What did you say?" Gusto ko ulit marinig ang sinabi niya. Gusto kong malaman kung iyon nga ang sinabi niya na hindi ko lang niloloko ang sarili ko.

Tinaas nito ang kamay nito papunta sa mukha ko at tinanggal ang salamin ko sa mata pagkatapos ay ang tali naman sa buhok ko. Bakit ba lagi nalang niya ginagawa yan sa akin? Naiilang ako sa ginagawa niya ngayon. Pinadaan niya ang kanang kamay sa pisngi  ko papunta sa lips ko.

"Hindi ka na nga makapagsalita, ngayon naman bingi ka na din." Bigla itong napangiti ng nakakaloko. Ano ang pinaplano niya? "Maybe this can help." Biglang niyang sinakop ang aking bibig. Nalasahan ko sa bibig niya ang alak, may sarili na atang utak ang katawan ko dahil napansin ko na lang ang sarili kong tumutugon sa halik niya.

Nakataas ang mga braso ko sa batok niya upang makahugot ng lakas dahil pakiramdam ko wala ng lakas ang paa ko para makatayo. Napansin ko na lang na pumasok na pala ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko pataas sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay sa dibdib ko kahit may bra pa akong suot habang ang isa niyang kamay ay itinaas ang isang hita ko kaya mas lalo akong napasubsob sa kanya at mas lalo kong naramdaman ang pagkalalaki niya sa may tiyan ko.

Wild Beat - BOOK 1 ✔Where stories live. Discover now