Chapter 22

21.3K 278 6
                                    




POV-Serena




Strange.


Kaninang umaga pa ako hindi pinapansin ni Tyron. Actually last week ko pa napapansin na parang hindi na siya masyadong nakikipag-usaps a akin pero hindi ko masyadong napansin iyon kasi parati ko na lang kasama si Renzo.

Iyong pakiramdam na ang lapit lapit mo sa kanya pero parang hindi ka nag-eexist sa kanya. Ni hindi man lang niya ako magawang lingunin.



"Tyron, tara sabay na tayong maglunch." Binitbit ko na ang bag ko habang nakatingin sa kanya. Tinaas niya ng kaunti ang mukha niya at tumingin sa akin. He just shrugged kaya nilapitan ko na siya at hinila.


Napadako ang tingin ko sa may pintuan, si Renzo nasa labas kasama ang mga kaibigan niya napansin kong napatingin siya sa akin sandali at bigla na lang umalis sumunod naman ang mga kaibigan nito. "Nawalan na ako ng ganang kumain." Narinig ko pang sabi niya.



"Ano? Tara na gutom na ako." Napatingin lang ulit siya sa akin.



"Bakit ako ang kasama mo?"


"Huh? Bakit ikaw? Malamang gusto kitang makasamang kumain. Tara na nga gutom na ako." Hinila ko na siya.















----------------------




"What?" Tanong ko rito.



"Wala naman." Nilaro-laro lang nito ang pasta na inorder nito.


"Stop staring, it's rude you know." Inirapan ko ito pero walang kwenta dahil nakatingin pa din siya sa akin. No scratch that, nakatitig siya sa akin, sa pagmumukha ko. "Tigilan mo nga ako."




"Anong ginawa ko?" Ngumiti siya sa akin at sumandal sa upuan niya habang nakatitig pa din sa akin.



"Whatever, stare all you want. Sanay na rin naman ako since hindi lang naman ikaw ang tumititig sa akin. Tsss." Binalik ko na lang ang tingin ko sa pagkain.



"Hey, hey I'm sorry. Ititigil ko na ang pagtitig sayo." Tumigil siyang magsalita sandali. "Hindi ko magawang tigilan ka, ang pagtitig sayo." Napatingin ako sa kanya, iyong nasa mukha niya na parang may sasabihin pa siya pero hindi lang niya masabi-sabi sa qkin



"Kumain ka na nga lang dyan." Sinubo ko an ang spaghetti. Nang nilapit niya ang kamay niya sa gilid ng bibig ko.




"May dumi."




Binalik ko na lang kaagad ang tingin ko sa pagkain. Parang may kakaiba ngayon kay Tyron hindi ko lang malaman kung ano.




"I should...." Bumungtunghinga si Tyron. "Mauna na ako sayo."





Napatingin lang ako rito habang lumalayo na siya sa akin.













----------------------------







POV-Tyron






Ilang linggo na din ang nakalipas ng malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal niya.




Ang sakit malaman na iyong tanging babaeng minahal ko ng ilang taon. Iyong tanging babaeng minahal ko ng totoo ay pagmamay-ari ng iba.



Lumayo ako sa kanya, dumistansya sa kanya para makalimutan siya. Pero kahit anong gawin ko nandyan siya, kahit saan ako lumingon nakikita ko siya. Pagtinitignan ko siya parating nakangiting mukha niya ang sumasalubong sa akin.



Wild Beat - BOOK 1 ✔Where stories live. Discover now