Chapter 20

153 15 5
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw sa may balcony na naiwan kong bukas.

From: love

Good morning, wife. I hope your day will be great. I miss you so much. Please, take care. I can't wait to see you. I love you, Clarey."

I got a messaged from the president.

I just smiled a bit and replied to him.

To: love

Just woke up. Eat on time, Bong. I miss you also.

Nag-ayos lamang ako at bumaba na.

"Good morning, anak!" sina Tito Greg at Tita Irene.

Yumakap lamang ako sa kanilang dalawa.

"Pumunta ka na sa may garden, nandoon ang almusal natin. Kunin lang naman yung ibang pagkain." Dumiretso lamang ako sa garden pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon, kitang-kita ko na kung sino ang nakatalikod na nakaupong lalaki, kausap ni Steffy.

"Yan na pala siya..." ani Steffy na siyang nagpaharap sa lalaki.

Mabilis siyang tumayo, na parang hindi alam ang ikikilos. "Stella." usal ni Rafael.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Kumain na tayo!" si Tita Irene.

Naupo na kami sa mesa, kaharap ko si Rafael.

Hindi na ako nagsalita pa, kumain lamang ako. Alam kong pinapunta nila rito si Rafael para makapag-usap kami. Well, yun din naman ang gusto ko. Gusto ko na siyang makausap. Kailangan naming mag-usap.

Natapos naman na kaming kumain at bumaling ako kay Rafael, "Kung nandito ka para makipag-usap, huwag ka na magpaligoy-ligoy pa."

Tumayo ako at naglakad palayo, palabas ako ng bahay. Gusto kong rin naman maglakad ngayon. Hindi pa maaraw, maganda rin ang madadaanan sa bahagi kung saan nakatayo ang bahay nina Tito Greg. Probinsya talaga ang eksena.

Nararamdaman ko naman sa likod ko ang nagmamadaling hakbang ni Rafael. Sinundan niya na ako. Hindi naman ako natigil sa paglalakad.

"Babe!" sigaw ni Rafael. Mabilis niya akong hinila sa braso dahil mayroong isang motor na napaka bilis, muntik na akong mahagip nito.

Napalunok-lunok naman ako nang mapagtanto ko ang posisyon namin ni Rafael ngayon.

Sabay kaming bumagsak sa kalsada, nakapatong siya saakin. Magkalapit kaming dalawa, magkadikit ang mga katawan namin habang ang mga mata namin ay nasa isa't isa.

Ngayon ko na ulit nakita ang kulay kayumanggi niyang mga mata.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya. Humawak naman na ako sa kamay niya upang makatayo pero para akong babagsak ulit dahil sa paa kong nagkamali ng bagsak. Sobrang sakit nito ngayon.

Nakita ito kaagad ni Rafael kaya naman...

Walang atubali niya akong binuhat. Nagpunta kami sa isang park kung saan iniupo niya ako sa may bench.

"Masakit ba?" tanong niya. Lumuhod siya at kinuha ang paa ko, minamasahe niya ito ngayon.

Nakatitig lamang ako sa kanya habang pinapanood siya.

Together by Fate Where stories live. Discover now