Chapter 10

110 9 0
                                    

We landed in the airport and quickly went to his car. I thought he will going back to Malacañang but surprisingly he just came back here because he wants to go in Pasig where I stayed before.

"Siguradong marumi yung bahay ngayon. Dapat sinabi mo doon pala yung punta natin." sabi ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

Naiinis ako sa matandang to!

Tumawa siya. "Love, gusto ko lang makita yung bahay mo rito before na makilala kita. Pupunta rin tayo sa Mandaluyong Headquarter, kung saan nagsimula ang lahat."

Ay wow? Nagsimula talaga ang lahat? Delulu.

"Hindi sa headquarter... baka sa hospital. Nagsimula yung galit ko, Bongbong!" inis kong sagot na lalong nagpatawa sa kanya.

"I'm starting to believe that the more you hate, the more you love." Tinignan ko siya nang sabihin niya iyon.

"Asa ka! Inakit mo lang ako kaya nagkagusto rin ako sayo." pang-aasar ko.

Nagtaas siya ng kilay at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto mo naman nagpapaakit saakin." mayabang ang tono ng boses niya.

Ang hangin! Ang hangin naman ng Marcos na to!

Hindi ko naman namalayan na malapit na pala kami sa kung saan ako nakatira noon kaya medyo aligaga ako nang mapansin ko na nasa isang kanto na kami.

"Ipasok mo!" bigla kong sambit.

Nanlaki ang mata niya sabay tawa.

"Ipasok yung? Ipassok saan?" tanong niya. Nakangisi siya. Na-misinterpret niya yung sinasabi ko. Green minded siya sa part na to.

"I mean... diyan sa kanto na yan ipasok mo itong sasakyan. Diyan na banda yung bahay ko." mabilis kong pagbawi.

Napabungisngis naman siya sa pagtawa habang inaasar-asar pa ako.

Iginala ko naman ang paningin ko at hindi na pinansin ang matandang kasama ko.

Ang dami ng pagbabago rito sa street na to. Para bang nanunumbalik lahat saakin. Yung simpleng buhay ko rito hanggang sa nagulo ako dahil sa dalawang Marcos.

Nahinto lamang kami sa harap ng gate.

"Ako na muna kaya yung papasok? Linisin ko lang sandali." suhestiyon ko. Hindi kasi ako mapakali dahil sigurado marumi ang bahay. Ilang buwan ba naman na wala ako roon.

"Love, tutulungan kitang maglinis." Napataas ako ng kilay nang sabihin niya iyon.

Si Bongbong Marcos? Ang pangulo, isang Marcos... ay maglilinis?

"Ni hindi mo nga yata nahawakan yung walis eh, tapos tutulungan mo ko?" pang-aasar ko sa kanya. "Ni ayaw mo nga maglinis ng plato." dagdag ko pa.

Patuloy siya sa pagtawa. Bumaba na ako ng sasakyan kung saan mabilis siyang sumunod.

"Nagwawalis kaya ako noon. Tsaka, hindi ako naglilinis ng plato kasi nagluluto ako. Si Liza yung naglilinis, baka raw kasi makabasag lang ako."

Nahinto ako nang sabihin niya iyon. Nakita ko na parang nagulat din siya sa sinabi niya lalo na sa pagbanggit ng pangalan ng asawa niya.

Napalunok na lamang ako at kunwaring wala lang ito saakin.

"Love..." pagtawag niya.

Tinignan ko siya at ngumiti sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.

Together by Fate Where stories live. Discover now