Chapter 14

129 14 1
                                    

STELLA CLAREY

Palabas na kami sa supermarket ngayon. Tinitignan ko siya habang nasa harapan ko siya, bitbit ang mga pinamili namin. May hawak ang dalawang kamay niya ng mga grocery, habang ako nandito sa likod niya. Hindi ako pinabitbit ng kahit na ano.

"A-Ako na, love...." mabilis kong suhestiyon nang bubuksan niya ang passenger seat ng sasakyan para ilagay ang mga pinamili namin.

"Thanks, wife." Inilagay niya na ang mga ito sabay yakap niya saakin. "Tara na? Gusto mong kumain?" tanong niya, sumakay na kami sa sasakyan.

"Sa bahay na tayo... baka may makakita pa saatin." sagot ko. Tumango lamang siya at nagmaneho na.

Habang nasa biyahe naman, bigla na lamang nag-ring ang phone ko.

As usual, mabilis nabaling ang atensyon niya rito.

Sinagot ko ito, "Mavy?"

Nang banggitin ko ang pangalan na yon, napatingin na talaga siya.

"Dad wants to talk to you, Stella." Si Dr. Davis? Bakit kaya?

Tinignan ko si Bong bago sumagot ulit. "Why, doc?" Hinawakan ko ang kamay ng pangulo.

Ayokong makaramdam siya ng selos.

"Sunduin kita para mag-usap kayo personally." aniya.

Mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya. "Wala ako diyan sa Ilocos ngayon. Hindi ba pwedeng ngayon niya na lang sabihin?"

"Alright, ibibigay ko kay dad." Narinig ko na ibinigay niya na ang phone kay Dr. Davis.

"Ms. Stella?" si Dr. Davis.

"Doc?" I replied.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. We need you here. The hospital laboratory needs you. Well, we have offer to you. Once you come back, you'll be the Chief Medical Technologist."

Chief Medical Technologist? Damn. Once in a lifetime opportunity.

"Are you sure about that, doc?" I asked.

He laughed a bit. "Oo naman. Gusto mo bukas na bukas pwede ka na pumasok ulit."

Babalik na ba ulit ako?

Napatingin ako sa kasama ko ngayon. Hindi ko namalayan na bumitaw pala ako sa paghawak sa kamay niya, hindi ko alam dahil ba sa excitement sa sinabi ni Maverick at nakalimutan kong kasama ko siya ngayon.

I felt a bit guilt. "Pag-iisipan ko po, doc. I'll just inform Maverick na lang po." I ended the call immediately.

I breathed heavily. "Si Maverick?" tanong ni Bong.

Hindi niya na maiwasan na magtanong pa.

Ngumiti ako, "Hmm..." tumango rin ako.

"Bakit daw?" tanong niya pa.

Nandito na kami sa bahay ngayon. Hindi ko na siya sinagot at lumabas na ako ng sasakyan, hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako.

Together by Fate Where stories live. Discover now