Chapter 6

259 20 5
                                    

"Hindi mo ba ako isasama?"

Tanong ni Ate Steffy saakin pagkababa ko. Tinignan ko lamang siya at nagtuon ako ng pansin sa phone ko.

"Sa burol ba ng pasyente mo ang punta mo o sa pangulo?"

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ako.

Sakto naman na nandito na sa labas ang mga workmates ko.

"Stella!" They hugged me.

"Hi!" My workmates looked to the person who spoke behind me.

Papansin talaga itong si Steffy...

"I'm Steffy, Clarey's sister!" pagpapakilala pa niya at naglahad ng kamay sa mga workmates ko.

Nakangiti naman itong tinanggap ng mga kasamahan ko. Pero, nabaling naman ako nang huminto pa ang isang sasakyan.

It's Maverick...

Lumapit siya saakin at bahagyang ngimiti.

"Steffy..." Nagpakilala si Ate sa kanya. Nakita ko na napahinto ng tinigin si Maverick sa kanya at bumaling saakin nagtatanong kung sino ito.

"She's my sister."

Maverick turns to Steffy and smiled.

Woah, wait? What's that smile?

Nakita ko naman si Ate na nakangiti rin kay Maverick.

"A-Ah guys... let's go?" sabi ko sa kanila.

Sasakay naman na sana ako sa mga sasakyan ng isang workmates ko pero pinigilan ako ni Maverick.

"Dito ka na." aniya. Sinunod ko na lamang siya. Kami lang ngayon dito sa sasakyan niya.

Ayokong mapansin ng mga kasamahan namin na hindi kami okay ni Maverick. Mas mabuti na ito. Pero, okay na ba si Maverick? Kanina kasi, hindi talaga kami okay nang iwan namin siya lalo na ang mga nalaman niya.

"Nandoon din ba ang pangulo?" Tumingjn lamang ako kay Maverick nang magtanong suya. "Hindi naman siguro siya magseselos kung makita niya tayo na sabay ngayon."

Malamang baka magselos yon. Seloso pa naman yon lalo na dito kay Maverick.

"By the way, is that really your sister?" He was talking about Steffy.

"Hmm, yes. Hindi ba kami magkamukha?" Tumawa siya ng bahagya. Wow, mukhang okay na nga siya.

"Magkamukha... kaso konti lang. Mas maganda nga lang siya sayo." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa simabi niya.

"Single ang ate ko. Gusto mo ligawan mo." sabi ko na lamang.

Nagkaroon naman ng katahimikan ngayon.

Pero, ganoon na lamang ang naramdaman kong kaba nang magsalita siya.

"Ikaw ang gusto ko, Stella."

Napahawak ako sa pinto ng sasakyan. Gusto ko nang lumabas na rito. Mali na sumabay pa ako kay Maverick.

"Stella, hindi mo ba ako naramdaman? I like you, I really like you. Alam mo ang manhid mo eh... masyado sigurong nasa pangulo lamang ang atensyon mo. Ang swerye niya... gusto mo siya at siya yung mahal mo."

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lamang ako sa labas.

"Sana ako na lang. Sana pala... umamin na ako noon pa man, hindi ko tinago kung anong nararamdaman ko sayo."

Together by Fate Where stories live. Discover now