Chapter 22

91 12 1
                                    

STELLA CLAREY

I immediately went outside of the house when someone beeps in the gate.

He's here...

"Good morning..." Ngiting-ngiti na bati niya.

Tinignan ko lamang siya. Pinasadahan ko ang kabuuan niya, mula ulo hanggang paa.

"Good morning, Mr. Engineer." bati ko sa pormal na tono.

Natawa siya at lumapit saakin...

Niyakap niya ako. Sobrang higpit.

"Sobrang miss na miss kita, Stella." bulong niya.

Napangiti ako. Niyakap ko rin siya.

"I miss you too, Raf." Namiss ko talaga siya, aaminin ko. Yung ngiti niya, yung boses niya at kung paano siya saakin. Miss na miss ko siya.

Humiwalay na siya saakin at patago niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"You ready?" tanong niya. Tumango ako. "Like what we used to be..." masayang sambit niya.

Inalalayan niya lamang ako sa sasakyan niya. Ang dami na talagang nagbago. Kung dati commute lang kami o di kaya ay naglalakad kung wala talagang pera, ngayon mayroon na siyang sariling sasakyan.

Hindi man Land Cruiser na sobrang mahal na gaya ng kung anong meron ang mga Marcos pero kung anong meron si Rafael ngayon... alam kong pinaghirapan niya.

Habang nasa biyahe, kinuha ko lamang ang phone ko at nag-message kay Bong.

Gosh. I miss him so much.

To: love

I hope you're doing well. Message me if you are here in Ilocos na. Wala ka na kasing paramdam. Take care, please. Eat on time.

Hindi ko alam kung nandito na ba ang pangulo. Hindi kasi siya nagpaparamdam. Unusual kapag walang araw na hindi niya ako tinatawagan. Ganoon ba siya ka busy?

Nahinto lamang kami ni Rafael sa isang kainan sa gilid ng kalsada.

Pinanood kong masayang pumunta si Rafael dito sa kabilang pinto para pagbuksan ako.

"Kumakain ka pa naman siguro sa ganito, diba?" tanong niya, nahihiya. Natawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Oo naman!" Itinulak ko pa siya ng bahagya.

Nagpunta naman na kami sa isang table.

"Sa ganito lang tayo noon, diba? Kakain sa mga kainan sa tabing kalsada." napaka saya niya habang sinasabi ito. Ako naman, iniisip ko lang ang mga moments na iyon.

"Hmm, natuto akong kumain sa ganito dahil sayo." Para siyang maluluha nang sabihin ko iyon. Hinawakan niya ang kamay ko.

Pero...

Panandalian siyang nahinto na napatingin sa kamay ko nang makita niya ang nasa daliri ko.

My engagement ring...

Pilit siyang ngumiti at hindi niya ito pinansin pa pero alam kong napaapektuhan siya, gustong magtanong ng mga mata niya.

"Ano pong order niyo?" tanong ng isang staff.

Nagkatinginan kami ni Rafael.

"Tapsilog."

"Tapsilog."

Together by Fate Where stories live. Discover now