Chapter 12

111 11 1
                                    

STELLA

"Good morning, my baby!"

His voice filled the room as I opened my eyes.

"Good morning." tamad kong bati.

Natawa siya at mabilis na dumako saakin. "Good morning, mahal ko." paglalambing niya sabay yakap saakin.

Nakahiga pa ako ngayon dahil kagigising ko lang habang siya mukhang kanina pa gising.

"Ang aga mo naman yata." sabi ko at akmang tatay na sa kama pero niyakap niya ako ng mahigpit. "H-Hindi pa ako nagmumumog." reklamo ko at umiwas sa kanya.

Lalo siyang natawa at hinalikan niya ako bigla. "Bonget!" Nahampas ko siya. Wala naman siyang tigil sa pagtawa.

"I love you, Clarey ko. I love you, my love. I love you, my girl. I love you my love of my life."

Tinignan ko siya at inirapan. "Cringe..." pang-aasar ko sa kanya. Kung ano-ano kasi sinasabi!

Mas kinulong niya naman ako sa mga braso niya. "Is that cringe? Oh my gosh..." Yung tono ng boses niya ngayon para siyang nahihiya.

Natawa ako at humarap sa kanya. Natigil naman ako at napa half open pa ako ng bibig ng tinignan ko ang kabuuan niya.

Wala pala siyang suot ng pang-itaas ngayon...

"W-Why are you so hot, Mr. President?" I said in a very sweet yet baby talk way.

Nakita ko na nahinto rin siya na animo nagpipigil ng kung anong kilig ngayon.

"Damn, love... I don't want and I hate baby talk but when it's you, kahit araw-arawin mo yan."

Halata na lumambot siya sa baby talk kong yon. Napatiklop siya non!

"Mag shirt ka na nga." sabi ko pagkatapos kong maghilamos.

"Why? Are you conscious of my abs?" asar niya na nagpatawa saakin.

Nilapitan ko siya. "Wala kang abs, Ferdinand Marcos."

Nang sabihin ko iyon, hinatak ko na siya palabas upang bumaba na.

"Nagluto ka?" tanong ko. Nagulat ako dahil handa na lahat sa mesa. Luto na ang lahat ng almusal, mayroon pang bulaklak na para bang pinitas niya.

"Hmm, para kapag paggising mo... kakain ka na lang." aniya at inaabot saakin ang mga bulaklak.

"Saan mo galing to?" Sa pagkakaalam ko, halos nasira na yung mga halaman at bulaklak na tanim dito sa bahay.

Ngumiti siya. "Sa kabilang bahay... dun sa harap nila may mga bulaklak kasi."

What the hell? Ninakaw niya?

"Magnanakaw ka nga yata taaga..." natatawa kong sambit.

Nanlaki ang mata niya. "Magnanakaw ng puso mo, pwede pa..."

Napailing na lamang ako.

"Wala namang stocks dito sa bahay ah, saan mo nakuha tong mga niluto mo?" Wala naman kasi talagang makakain dito ngayon. Huwag niyang sabihing lumabas talaga siya?

"Don't worry, hindi ako lumabas. Pinadala ko lang dito sa mga PSG." Tumango na lamang ako. "Let's eat, baby."

Nakangiti ako nang pagmasdan ko siya habang kumakain. Napaka swerte ko sa kanya.

Bigla naman nag ring ang phone ko.

Tito Greg calling...

"It's Tito Greggy..." I excused myself.

"Clarey?" he started.

I looked at the president. He was waiting for me.

"Tito, bakit po? Kamusta po?"

"Malapit na ang uwi ko. May ipapabili ka ba? Papupuntahin ko si Tita Irene mo sa bahay mo, sabay na kayong kumain mamaya."

"A-Ahm... wala naman po. Tito, wala po ako sa bahay ngayon eh." Nakita ko na napatingin ang pangulo nang sabihin ko iyon. "Nandito po ako sa Pasig... umuwi muna po ako rito sa bahay ko."

"Ha? Your ate is in Ilocos? Hindi kayo magkasama ngayon?" Sinabi na kaya ni Ate Seffy ang tungkol saamin ng pangulo? Kinakabahan ako.

"I'm not ready to be with her... to be with one of my family. Tito, I hope you understand me." I felt his heavy breathing in the line.

"Hmm, I understand you. I always understand you, Clarey.Pero, pagbalik ko sa Ilocos... lalabas tayong apat nina Tita Irene mo. Please? Can you do that for me?" Kinagat ko ang labi ko.

"Okay, tito... sige po." sagot ko na lamang.

"Gusto mo ba dadaan muna ako diyan sa Pasig bago ako tumuloy sa Ilocos?" The hell! Tito naman eh!

"Tito, hindi na po... huwag na po. Magpahinga na lang po kayo. Uuwi na rin naman po ako sa Ilocos."

Sumuko naman na si Tito Greg at sinabing kami nina Ate Steffy at Tita Irene ang susundo sa kanya sa airport.

Bumalik naman na ako sa mesa.

"Love, any problem?" nag-aalalang tanong niya agad. Ngumiti ako ng bahagya. "Love, hindi mo na kailangan sarilihin pa ang mga problema mo. Nandito ako para makinig at damayan ka. Your problems are my problem, love." Kaagad siyang lumapit saakin.

Nakaluhod siya sa gilid ko ngayon at hinahaplos-haplos ang baywang ko.

"Mabuti na lamang at nandito ka na. Wala na akong pag-aalala kahit na mawala ako sa sarili dahil alam kong hahawakan mo ang kamay ko at bibigyan mo ako ng lakas." sabi ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi. "Ikaw ang katahimikan ko sa magulong buhay na meron ako, Mr. President. Huwag kang mawawala sa tabi ko ah?" dagdag ko.

Tumayo siya at niyakap ako. "Hangga't may pulso at paghinga ako, mananatili ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan, Clarey. Hindi ka na mag-iisa."

Together by Fate Where stories live. Discover now