Chapter 35

89 16 9
                                    

I quickly answered his call. I wiped my tears and breathed out to release what I am feeling.

"Bong, nasaan ka?" tanong ko agad.

Segundo bago siya sumagot sa linya. "Don't bother to look for me. Babalik ako diyan kapag gusto ko." malamig na sagot niya.

Napalunok ako at tumulo ulit ang luha ko.

He really saw us. He was hurt.

"I need to see you. Please, tell me where you are. Para hindi na rin ako mag-alala." Ayokong sabayan ang kung anong galit o tampo niya. Gusto kong mag-usap kaming dalawa ngayon para maayos ang dapat maayos.

"I'm on the other island. Medyo malayo diyan. I'm going to spend my night here in this —"

I interrupted him, "Tree house?"

He paused. "Just don't look for me. Your worries for me, hindi ko naman kailangan."

Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa kung paano siya ngayon. Hindi na ako sanay na ganito siya. Sobrang sakit.

He just ended the call. He left me unattended.

Tumayo naman na ako at mabilis akong tumungo sa mga yate.

"Mam Stella?" Nagulat pa ang mga staff nang makita nila ako.

"Namiss ka namin! Mabuti at bumalik ka na po!" Parang gusto pa nila akong yakapin.

Ngumiti lamang ako sa kanila.

"Sa kabilang isla?" tanong ko. Walang atubali naman na ibinigay nila ang permiso na gamitin ko ang isang jetski.

"Pwede po na ako na magmaneho." offer ng isa.

Umiling ako, "Ako na po. Babalik din po ako agad. Kapag po may naghanap o nagtanong saakin, please... huwag niyo na lang po akong sabihin."

Sumang-ayon na lamang sila sa mga sinabi ko.

"Palagi po kayo hinihintay ng paborito niyong isla. Yung tree house niyo don, mam." pahabol pa nila bago ako tuluyan na umalis na.

Kahit na kalimutan ko ang mga bagay na nagpapaalala saakin bilang isang Berkan, patuloy pa rin ako nitong sinusundan at hindi pinapakawalan.

This resort, the island, the tree house...

It's once became my home. And the person who I call my home was here. He's there.

Ilang minuto lamang at narating ko ang isla. Hindi ito ganoon kalayo at nakakatakot na puntahan.

Naglakad naman na ako upang tumungo sa may tree house. Nang nasa ibaba na ako nito, napangiti ako. Alam na alam mong may tao rito dahil makikita mo ang liwanag na nagmumula sa loob ng tree house.

Umakyat na ako sa hagdan. Napapahinto pa ako dahil hindi ko maiwasang hindi tignan ang paligid. Nakakamiss dito!

Nang marating ko na ang taas. Nahinto na ako sa harap ng pinto ng tree house.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.

"Bong..." Binuksan niya ang pinto. Nagulat pa siya.

Wala siyang kahit na ano pang reaksyon at iniwang bukas ang pinto at bumalik ulit siya sa loob.

Pumasok ako. Mabilis niyang inalis ang mga bote ng alak.

Together by Fate Where stories live. Discover now