Chapter 3

187 14 4
                                    

Nakarating naman na kami sa bahay ko. Nagpaiwan lamang ang pangulo rito, pinauna niya na ang mga PSG niya.

"I already called Nicole's mom... nasa bahay na raw sila. Nakaburol na si Nicole." sabi ko, niyakap naman niya ako.

"I can be with you later if you want." suhestiyon niya.

"Anong sasabihin mo sa mga tao kapag tinanong nila kung bakit ka nandoon? Baka makahalata pa sila kung sakali." Humiga naman ako sa kandungan niya.

"I'll tell them that I am with you... with my fiancé." I looked at him when he said that. He laughed and played with my hair. "Just kidding! Sasabihin ko nakilala ko kahit papaano si Nicole. Ayaw kitang iwanan lalo na sa ganitong mga sitwasyon. Mag-aalala lang ako sayo."

"You can go. Pumunta ka mamaya kung gusto mo pero hindi dapat tayo magsabay. Kasama ko naman yung mga workmate ko, nagplano na rin sila na pumunta."

Napaisip siya. "How about Maverick? Alam niya na. Hindi tayo sigurado, baka mamaya o ngayon... ipinagkalat niya na itong saatin."

Wow, ha? Iniisip niya pa pala yan? Pagkatapos niya akong hatakin kay Maverick at tawagin pa akong "love" sa harap niya mismo.

"Kasalanan mo! Sumunod ka pa kasi doon eh... tapos tinawag mo pa akong lo —" Naputol naman ang pagsasalita ko dahil bigla niya akong hinalikan.

"Okay, okay... I'll take the blame. I'm worried kasi kaya sumunod na ako tsaka isa pa, wala na akong pakielam kung malaman niya o ng lahat... gustong-gusto ko nang ipagsigawan yung tungkol saatin para wala ng umaaligid pa sayo."

Sus, seloso! Mukhang mababakuran na talaga ako.

"Naku, naku! Walang umaaligid at kahit umaligid pa sila..." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ikaw lang yung gusto ko. Ikaw lang yung pipiliin ko. Ikaw lang yung mamahalin ko. Ikaw na matandang seloso lang yung laman ng puso at isip ko." dagdag ko pa.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Matandang seloso na gustong-gusto mong hinahalikan?" pagmamayabang niya.

Tumayo naman ako at naupo sa kandungan niya.

Hindi pa rin ako sanay na nakaupo sa ganitong posisyon pero sobrang sarap sa pakiramdam, yakap niya ako mula sa likuran hinahawakan ko lang ang kamay niya.

"Huwag kang mag-alaala kay Maverick. He already knew what's going on between us."

I felt he was suprised by what I said.

"H-Ha? Paano? I mean... when?"

Napasinghap ako. "Nagtanong siya nung nagkayayaan kami after the event sa hospital. Nakaramdam na siya nung nalaman niyang may mga PSG na kasama yung taong nagligtas saakin kay Mr. Alvarez. Akala kasi ng lahat... si Sandro yon eh. Si Maverick, alam niyang nasa iisang lugar lang sila ni Sandro noon dahil pareho sila na nasa iisang club. So, he came up... sinabi niya rin saakin na ramdam niya na may iba saatin."

Napabuntong-hininga siya. Stress ah? Kanina napaka yabang nang hatakin ako.

"Alam ng lahat na si Sandro dahil hindi nagsalita si Mr. Alvarez."

I knew it. He planned this. Bong settled everything.

"Did you shut him up?" tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. "No, love. He just understood his assignment. I just talked to him calmly... mukhang sumang-ayon naman dahil tikom ang bibig." Calmy? Weh?

"Sana nga calmly." sabi ko.

Mas niyakap niya naman ako. "Trust me, miss ma'am. I won't hurt or let my hands be dirty... but, if they are going to reach their limit for hurting or even putting even a tip of their finger to you, hindi ako magdadalawang-isip na dalhin sila sa impyerno."

I held his hand. I don't want him to be the man he wasn't because of me.

"Love... please, always calm down. Don't be the man that you're not because of me. I love my Bongbong Marcos that was calm and unbothered." He kissed my hand.

"Love... why does it sound so good when it comes to you, huh?" He sounds so sweet.

I just giggled but I stopped when the door bell rang.

"Ako na, love." suhestiyon ng pangulo.

Pinigilan ko naman siya. "No, ako na love."

Naupo naman siya ulit at tumayo na ako upang tignan ang gate.

Pagkabukas ko, halos manlaki ang mata ko sa kung sinong nakatayo rito ngayon.

"Happy to see me?"

I just breathed heavily and looked at the door of the house.

Love...

The president...

Together by Fate Where stories live. Discover now