CHAPTER 19: [ She's familiar]

157K 5.1K 877
                                    

MYRTTLE JOONG

Napadilat akong bigla nang marinig ko ang hindi inaasahang bagay. Nanlaki din ang mga mata nito na tila ba maging siya ay nagulat sa sinabi niya.

"Say what?!" Gulat kong tanong kay Blaise.

Bigla naman itong namutla na parang hindi alam ang gagawin.

"W-What? May sinabi ba ako sayo?!" Sigaw rin nito sakin.

Aba't siya pa ang galit?!

"May sinabi ka! Hindi ako bingi!" Sigaw ko pa ulit dito nang isang nurse ang pumasok sa silid ko ngunit hindi ito napansin ni Blaise.

"Baka guni-guni mo lang 'yun! Dyaan ka na nga!" Galit pa nitong bulyaw sabay alis at binangga pa 'yung Nurse ko.

Tsk! Barumbadong bata!

Nakita ko naman ang pagkagulat nung Nurse sa ginawa ni Isda. I think she's 30+ years of age but she looks like a goddess! Ang ganda niya!

"Hey, are you okay?" Pagaalala kong tanong dito.

Natauhan naman ito ng marinig niya ako na hindi kalaunan ay sinagot niya ng isang ngiti.

"Umh, yeah I'm fine. Pwede ko na bang linisin ang sugat mo?" Kalmado nitong pagtatanong saakin.

At ang cool nun! Lalo din akong naastigan sa kaniya ng tamaan ng sinag ng araw ang buhok niya. It's burning red! Mas matingkad ang pagkapula nito kaysa saakin. At sa nakikita ko'y natural din ito!

"H-Hey?" Kalabit din nito sakin na nakapagbalik sakin sa realidad.

"Ah, Opo." Tango ko dito.

Tinanggal nito ang gasa sa sugat ko at napatulala sa sunog na natamo ng braso ko. Naging blanko ang ekspresyon ng mukha ng babae kaya takha lang akong napatitig dito.

"May problema po ba?" Magalang kong tanong.

At bakit ko siya ginalang? Ewan. Ewan ko ba, parang ang sarap niya kausapin. Siguro dahil ang cool niya kasi.

"Ah wala, ang lala kasi Iha. Mind me to know kung bakit ka nakakuha ng ganitong damage?" Mahinahong tanong nito.

" Ummh. Wala po iyan. Talagang clumsy lang ako." I lied

"I see. So let's start." Blanko nito saking paalam na akala mo'y hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

Sinundan ko lang ito ng tingin habang kumukuha ito ng gamot sa medical kit niya.

"'Yung lumabas kanina. Is that your boyfriend?"

Tila nabilaukan naman ako sa sarili kong laway ng ngiti niya itong itanong saakin.

B-Boyfriend?!

"Yuck! Hindi po!" Protesta ko dito. Bahagya akong napaangat sa unan ko pero pinigilan niya ito.

"Ow? So what's with 'Don't make me worried again'?" Pangagaya pa nito kung paano sinabi ni Blaise ang mga katagang iyon. Ikinakunot naman ito ng noo ko. Pero bakit feeling ko ang init ng mukha ko? Anong nangyayari!

"Kasaltikan lang po ang lahat ng iyon Miss Nurse. May saltik kasi talaga 'yong lalaking 'yun. Ang lakas ng tama sa utak! Pagkatapos akong away-awayin saka siya magsasalita ng ganun? Kabaliwan! Grr. Ang sarap i-ihaw ng buhay!" Protesta ko dito habang abalang-abala siya sa paggagamot sakin.

Natawa naman ito sa sinabi ko.

At para bang napatigil ako ng makita ko ang pagtawa niya.

Dapat akong magalit ngayon dahil sa pagtawa nito. But her laugh, her laugh is like a melody in my head.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon