Chapter 1 : [Harrison University]

661K 12.1K 1.8K
                                    


Myrttle's Point of View

"'NAK, LAHAT BA ng kailangan mo, nailagay mo na sa bag?" Muling tanong sa'kin ni 'Nay Julie nang matapos na nitong hugasan ang mga pinggan.

Tahimik ko itong inilingan, kasabay ng pagsarado ko sa librong binabasa ko. Tamad na tamad ko ring kinuha ang bag at nakabusangot itong inayos.

Ugh. I can't believe this. Kahit ano talagang takas kong mag-aral, hindi pa rin ako nakakalusot!

Bakit pa kasi kailangan pang mag-college? Lalo na kung ayaw naman ng estudyante?

Ginawa ko na ang lahat huwag lang ako ma-involve sa kahit na sino. Pinipilit ilihim kay Lolo na hindi ako pumapasok sa mga eskwelahang inirerekomenda nito. Pero lagi na lang akong nabubukinh!

Kaya heto, papasok na naman ako sa isang paaralan. Mabuti kung mga ordinaryo at matino 'e, kaso hindi! Iyong mga supistikado at mga wirdo pa.

Pero sabagay, pang-ilang school ko na ba 'to? Tss. Who cares? Lagi ko rin namang hindi pinapasukan.

At bakit ko ito ginagawa?

Wala... ayoko lang talaga.

Ayokong mapalapit sa kahit na sino.

Ayoko, dahil ayoko lang...

Tama, ayoko lang.

Aalog-alog ang isang fountain pen at isang binder sa bag ko. Wala nang kung ano-anong kagamitan. Alam ko rin namang hindi ako magtatagal doon.

Nang matapos ako'y napansin ko ang nahulog na pulang papel na agad kong ikinadismaya. Galing ito sa mga papeles na ipinadala ng University kaninang umaga.

Kunot-noo ko itong pinulot.

Sino ba naman kasi ang gaganahang pumasok? Kung padadalhan ka agad ng isang atrimidong nilalang nang notification letter dahil sa isang linggo mong pagliban sa mga klase?

Pakialam ba kasi nila?!

Eh, sa ayoko nga!

From: B.H.

You're not attending your classes. See you around in the University tomorrow or I'll be the one who'll drag you here!

P.S

I am dead serious, Ms. Joong.

This note really burst my bubbles. Agad ko itong pinunit at pinulbos.

Ang daming alam! So unprofessional! Just be ready letter sender, because I'm sure you'll regret messing around with me!

Kasalanan ng atrimidong ito kung bakit nalaman ni Lolo ang lahat ng kalokohan ko! Kaya kahit pilit, ay napilitan akong pumasok. Hindi dahil sa takot ako sa dito. Inaalala ko lang talaga ang Lolo. Pasalamat siya't ayokong bigyan ng sakit sa ulo ang Lolo ngayon. Kung hindi, ewan ko na lang talaga.

* * *

NAGISING AKO sa napaka-agang pag-set ng alarm ni Nay Julie. Sapilitan pa ako nitong pinabangon, pero pagulong-gulong lang ako sa kama ko.

Takte lang, tila iilang minuto lang ang naging tulog ko dahil sa pagiisip ng kung ano-ano.

I am sure that Lolo will be angry at me if I ditch my classes again. I won't let that happen. Knowing who he was.

But how can I live peacefully with those people? Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko nang mapalapit pa sa kung sino.

"Dali na, anak. Nasa baba na ang mga kaibigan mo. Si Shenny inuubos na 'yong mga pagkain mo sa kusina." Pilit pa ni 'Nay Julie sa'kin kasabay ang marahan nitong pagtayo at ilan pang sandali'y narinig ko na ang pagbukas ng walk-in-closet ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now