Chapter 38 [Twins]

159K 4.5K 544
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako kada makikita ko siyang lumalayo sakin pero ako naman mismo ang may gusto at nag-utos na gawin niya ito.

It's like me againts myself. Mga katauhang patuloy na nagtatalo saaking isip. Isang batang ako na masayang nabubuhay sa ala-ala ng kanyang ama. At ako na patuloy siyang isinusumpa sa kasalanang ginawa niya.

Pero maglaban man ang dalawang iyon sa loob ko'y may isa paring bagay ang hindi ko maiaalis sa sistema ko. At iyon ay ang pagkatiwalaan ang ama ko. Nakakatawang isipin na sa kabila ng lahat-lahat ng kasalanang ginawa niya sa pamilya namin ay pinagkakatiwalaan ko parin siya. I always trust his words at kahit kelan hindi iyon nawala. Naniniwala parin akong mahahanap pa niya si Mommy. Naniniwala ako sa kanya kahit gaano man ito ka-imposible, I still put my hope in him.

My Mom was missing.. Yeah she is.. at nalaman ko ang bagay na ito dalawang taon mula ng sabihin samin ni Daddy na patay na si Mommy. Kaya pala noong burol ni Mommy ay nakasarado lang ang kabaong nito. Iyon pala ay dahil hindi pa talaga patay si Mom. I feel so fool that time, he lied to us. He never said the truth at hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa. Gusto ko man itong sabihin kay Celine ay hindi ko magawa. Dahil ayokong masaktan si Celine.

All this time, Celine knew that our family is perfect. I never mention her that our Dad had his affair with another girl. Maging si Mom ay hindi ito sinabi kay Celine. So why would I?

Sobrang bata pa ni Celine nang panahon na malaman kong may kabit si Dad. Pero hanggang ngayon, kahit nasa tamang edad na si Celine, ayoko paring malaman niya ang lahat. Hindi ko pa kayang sabihin, hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi ko pa sa kanya sasabihin, hanggang hindi pa nahahanap ni Dad si Mom. I treasured my little sister, at lahat gagawin ko para hindi siya masaktan.

I look at the window at kita ko kung gaano kaganda ang langit. At tila ba iginuhit ng mga ulap doon ang mukha ng aking ina.

Bagay na naging dahilan upang isang malungkot na ngiti ang luminya sa labi ko.

I am hoping to see you soon Mom. I want to see your beautiful face again. I wanted to hug you again kahit na ayaw mo man akong yakapin. Pipilitin ko Mom, dahil miss na miss ko na kayo...

Agad naman akong napalingon sa pinto ng marinig ko itong bumukas. Bagay na ikinasimangot ko agad nang makita ko ang pagmumukha ng isang hindi KAGWAPUHANG NILALANG!

"Hi there Bro!" Malakas na bati sakin ni Myrko kasabay ng pagbaba nito sa dala niyang...Eh? Why the hell did he bring me those sweet things?! Gusto ba ng taong 'to na magka-diabetes ako?!

Nakasimangot akong humalukipkip at hinarap siya.

Kung maka-bro! akala mo naman close kami?!

"What are you doing here?!" Masungit ko sa kanyang tanong. Nagulat naman ako ng nagtatakha niya akong sinuri sa kinatatayuan niya kasabay ng pagtabingi ng kanyang ulo.

What is this guy doing?!

Pero ikinagulat ko ng humagalpak pa ito ng tawa!

Lintik na lalake 'to! Inaasar ba talaga ako ng isang 'to?! Takte! Bakit ba lahat ng taong may koneksyon sa Myrttle na 'yon ay likas na nakakainit ng ulo?! Aba, mas matindi pa siya sa babaeng 'yun ah!

"Why are you laughing?! May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Asar ko pang tanong sa kanya pero tawa parin ito ng tawa!

Whats wrong with this MAN?!

Tumigil ito ngutin natatawa parin, "Okay!" Hinga pa nito ng malalim! "Hindi na talaga promise. Ano kasi...." Takte!

At patuloy nanaman itong tumawa pero sa pagkakataong ito ay tinignan ko nalang siya ng walang pagka-interes.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now