Chapter 67: [ The Grace of Bulwark]

111K 3.5K 798
                                    


MYRTTLE JOONG

"NASAAN?!! " Sigaw ko sa natirang kalaban sa harapan ko. Isang floor nalang at nasa pinakatuktok na ako ng clock tower ngunit ni isang bakas ng Fifth Giant ay wala parin akong nakikita.

Bata-batalyon nang kalaban ang sumalubong saakin ngunit wala parin sila.

Nagawa ko nang matalo ang mga kalaban ko dahil sa kagustuhan kong matapos na ang lahat. Napuno na rin ng mga dugo ng aking kalaban ang sahig ng hallway. At ang dating kulay puting silid ay nabalutan na ng karimarimarim na dugo ng mga demonyong ito.

Nakakainis dahil ginugusto pa nilang mamatay kesa sabihin saakin kung nasaan na ang pinaka punot dulo nito!

Gustong-gusto ko na silang makaharap para matapos na ang lahat. Pagod na ako, pagod na akong alalahanin ang kalagayan ng lahat. I want them all safe at gusto ko nang matigil ang kahibangang to!

"Hindi ko alam!!" Lakas loob nitong sigaw saakin kaya naman agad ko nang nilaslas ang nakatutuk sa kanyang leeg na katana at agad naman itong nahiwa hanggang sa matanggal na ito sa kinalalagyan niya.

"Useless! " I yelled to his headless body.

Sa dami ng aking nakasalubong na kalaban mula palang ng pasukin ko ang clock tower ay hindi ko maiwasang magkaroon ng tama ng bala sa aking katawan. Ngunit hindi naman ito malala dahil mga daplis lang ito. Isa pa, hindi ko na ito iniinda dahil manhid na ang katawan ko sa kahit na anong sakit.

Naglakad pa ako ng naglakad at tanging ang tunog nalang ng sapatos ko ang namayani sa buong lugar.

Katahimikan...

Katahimikan na lubos kong ikinatatakot sa lahat...

Hanggang sa marating ko hagdan patungo sa tuktok ng Clock tower. At nanlalambot ko itong sinimulang akyatin.

Kani-kanina lang ay nakarinig ako ng mga pagsabog at alam kong hindi iyon galing sa malapit.

Is it from the Restricted area?

Pero napailing agad ako ng mariin ng sumanggi iyon sa aking isipan.

Hindi, hindi maaring mangyari iyon. Mahigpit ang pagbabantay ng mga Special student sa lugar na iyon. Hindi maaring mapasok iyon ng mga kalaban ng basta basta. Hindi maari dahil kung nagkataon ay wala silang magiging laban.

Pero papaano kung doon nga nanggaling iyon?

Paano kung ang pagsabog na iyon ay ang bombang nilagay nila sa restricted area para maungusan kami sa laban..

"S-Shenny... Alex... "

Bulong ko sa hangin ng matapat ako sa bintana na tanaw ang ibabaw ng pader na naghahati sa Eskwelahan at sa restricted Area..

Ngunit natauhan ako ng makaramdam ako ng mainit na likido sa aking pisngi.

Nanginginig kong tinignan ang aking mga kamay na punong puno na ng dugo ng aking kalaban..

Isa lang ang paraan para mapigilan ko ang pangyayaring ito.. At ito ay ang matalo na sila.

Ilang tao na ang napatay ko..

Ilang pagmamakaawa na ng mga tao ang nilampasan ko.

Pero heto parin ako... Nanginginig sa realidad na hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatay ang tunay na dahilan ng lahat..

At ngayong alam ko ng wala na akong kasiguraduhang makakalabas pa ang mga ordinaryong estudyante sa lugar na ito...

Hindi na ako papayag pa na matapos ang araw na ito ng hindi ko sila natatapos.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now