Chapter 25: [ The Palace Queens]

167K 5.2K 779
                                    

MYRTTLE JOONG

Mangilang sandali pa kaming nagyakap nang may namiss akong gawin kaya agad ko na siyang binitawan kasabay ng malakas kong pagbatok muli dito.

"Yah! Lagi mo nalang akong sinasaktan!" Mangiyak-ngiyak nitong bulyaw habang hinahaplos ang ulo niyang nabatukan ko. Samantala'y nginitian ko lang siya ng nakakaloko.

"Wala lang namiss ko lang na batukan ka. Apat na taon na din noong huli kitang nabatukan ano." Tawa ko dito na madaling nakahawa sa kanya kaya nakisabay narin ako dito. Bagay na halos ikataba ng puso ko dahil namiss ko talaga ang mga sandaling ito kasama si Myrko.

Hindi nagtagal ay tumigil na kami sa kakatawa at itinuon nito ang mata saakin habang nakangiti. His eyes is a reflection of what he feels. Itim na itim ito at kitang kita mo kung anong nararamdaman niya. Ang saya, ang lungkot, at pangungulila.

Ngayon ko lang naramdaman 'to pero para bang gusto ng kumawala ng luha sa mga mata ko ngunit pinilit kong pigilan ito.

Pinagmasdan ko lang rin ang kabuuan ni Myrko. Na para bang nakatingin ako ngayon sa sarili kong repleksyon.

Ang mapula at magkakulay naming mga buhok. Ang parehas naming mga mata at labi. At ang balat nito sa pisngi na tanging pinagkaiba namin. Lahat, lahat ay namiss ko sa taong ito. Namiss ko ng sobra ang kambal ko.

Mas naunang lumabas si Myrko kaya sinasabi na mas matanda ito saakin. Pero sa kutob ko'y nakipagunahan lang talaga ang isang ito noon. Ako dapat ang nauna, dahil pagdating sa katinuan sa pagisiip ay mas angat ako sa kanya.

Myrko Joong. My twin brother. We are Identical twins kaya noong bata pa kami ay walang nakapagsasabi samin kung sino si Myrko at sino si Myrttle. Madalas kasi kaming magpanggap noong bata kami. Kaya lagi naming naloloko ang mga katulong namin noon. Masayang itong ala-ala dahil iyon ang libangan namin dati... Pero hindi ko inaasahang pati ngayon ay gagawin niya parin ito.

It's been four years since I left Korea but his childish act still remains.

Kung ano ring ipinagkatulad ng mukha namin. Ay ganoon din naman ang kinabaligtaran ng paguugali naming dalawa. Siya ay dakilang childish, malambing, protective, palangiti, masayahin at...slow.

Samantalang akong kambal niya ay ibang-iba. Mabuti nga at magkamukha kami. Dahil kung hindi? Talaga namang hindi ako maniniwalang kapatid ko siya.

O kapag sinipag pa ako ng katopakan ay miski ang pagkamagkapatid namin ay ikahihita ko pa.

"Namiss din kita ng sobra Myrttle. Pero h'wag ka namang laging nananakit. Napaka sadista mo kahit kailan." Gulo nito sa buhok ko kaya patingala ko itong sinimangutan.

One more thing is... he is taller than me. Kaya naman hanggang balikat lang ako nito.

Sinamaan ko siya ng tingin pero binawi ko lang naman ito at ngumiti sa kanya at saka dumila.

Ilang sandali pa kaming nagharutan at nagsimula na akong mag-ayus dahil may sasabihin pa akong mahalagang bagay sa mga myembro ng Crimson Palace. Ang dibisyong pinamumunuan ko..

And yeah, I am the Queen of Crimson Palace. And they called me Queen Mizuki.

"Princess." Tawag sakin ni Myrko. He threw something to me na agad ko namanng sinalo. And it was my half mask. Ang half mask na sinoot niya kanina.

"Thanks." Tipid ko namang pasasalamat dito ngunit panandalian ko muna itong pinagmasdan.

Matagal narin noong huli kong naisoot ang maskarang ito. Ngunit hindi ko parin maiwasang masindak kada makikita ko ang kakatwang desenyo. Para itong nagliliyab mismo sa mga kamay ko gawa ng mga makakatotohanan nitong kumbinasyon ng kulay.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon