Chapter 26: [ The Announcement ]

163K 4.9K 528
                                    

MYRTTLE JOONG

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Iritable kong sigaw dito kasabay ng mapaghamong tulak sa isdang ito! Ano ba kasing ginagawa niya dito?! Ugh!

"Don't shout Queen Mizuki. It's me. The leader of the Five Kings." Mahinahon nitong sagot saakin na panandaliang nakapagpamangha saakin. Nakapagpamangha dahil kalmadong Blaise ang nakikita ko ngayon.

"I know. " Stupid. "Sagutin mo nalang ako. Sinong nagsabing maari kang pumasok sa silid na ito?" Bahagya kong iniba ang boses ko sa pagkakataong ito, mahirap na baka kasi mahalata pa ng isdang 'to.

"Edi sa lalaking kakalabas lang din dito! Dito sa kwarto mo!" Asar nitong sagot na ikinagulat ko.

Aba't may saltik to ah?

Siya pa ang galit? Hindi ba ako dapat?

Pero anong sinasabi niya? Kakalabas? Sino? Si Myrko?

Bagay na agad naginit ng dugo ko dahil napagtanto ko na ang lahat!

Arrggh!

Napaka-abnormal! Humanda na talaga siya sakin! Sisiguraduhin kong babakat ang kuko ko sa balat niya dahil sa kurot ko!

Pero imbis na magalit ay nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong hininga.

"Kung gayon ay maaari ka na bang lumabas sa silid na pagmamayari ko? Sa pagkakatanda ko ay walang karapatang pumasok ang kahit na sino mang myembro ng Crimson Palace sa silid ko. Tama ba ako Blaire? " Kalmado kong paalala dito kasabay ng pag-una kong paglabas sa kanya nang hindi siya pinapansin. Ngunit hindi ko inaasahang pipigilan ako nito sa paglabas ko. Hinawakam ako nito sa braso. Na agad ko rin namang ikinalingon sa kanya.

"What?!" Asar kong tanong dito.

Nakakairita na ang mga ikinikilos ng may saltik na ito!

"T-that g-guy who is h-he?" Nauutal nitong tanong saakin na ikinanlaki nang bahagya ng aking mata sa gulat. He is now looking at the floor and his cheeks are shaded red.

Salubong na kilay ko namang itinabingi ang ulo ko sa pagtatakha kung anong klase ang pinapakita niya ngayon.

Sa totoo lang ay nakakairita ito. Ugh , Parang ewan 'e, hindi bagay sa kanya!!

"It's none of your business! And get your hands off of me!" Hawi ko sa kamay nito atniritable nang umalis na sa harapan nito.

Why is he acting like that? Ugh, masyadong nakakakilabot!

Ang lakas lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Para kasing timang!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Dahil sa masidhing pagkainis ay padabog akong bumalik sa pwesto namin at umupo na sa tabi nila Hunt.

Nakakainis! Sino ba kasi 'yung lalaking 'yon?! Ayus naman si Mizuki sakin kanina ah! Tapos nagsama lang sila ng lalaking 'yun sa iisang kwarto ay nag-iba na agad ang pakikitungo niya sakin!? That unfair!!

"Oh Boss, kawawa naman 'yang cake." Pigil ni Landon sakin. Siguro ay dahil ibinubunton ko na nga ang galit ko sa cake na nasa harapan ko ngayon.

"It's none of your business Ace." Seryoso kong sagot sa dito at padabog nalang ding ibinana ang tinudor na halos bumaluktot na sa gigil ko.

Ugh!! That suck that line! Isipin ko palang kung anong mga pwede nilang gawin sa loob ng kwartong 'yun nagiinit na ang dugo ko!

"Blaise."

"What?!" Asar kong sagot sa kung sino. Pero huli na ng malaman kong si Ethan pala ito. At marahil siguro sa kanyang gulat ay bigla namang nanubig ang mata nito na dahilan upang ako ay kabahan.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now