Chapter 21: [Second Crime ]

149K 5.3K 897
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Nagimbal ako sa babaeng nakahandusay sa University ground ngayon. Naliligo na ito sa kanyang sariling dugo, bali-bali ang katawan nito at nakadilat pa. Pero mas lalo akong nanlumo ng makita kong maging ang buto nito sa kanyang tadyang ay lumabas na sa kanyang balat. Dahilan upang matigil ng ilang segundo ang aking paghinga.

S-Sinong walang puso ang gumawa nito?

Hindi pa ba sapat ang sunog na naganap at kinakailangan pang sumunod ang ganitong trahedya? Napakalala na ba talaga ng university? At bakit wala man lang kaming nagawa!?

Naghalo-halo ang emsyong namumuo sa aking dibdib dahilan upang magngalit ang panga ko sa galit. Hindi ko na matingnan ng deretyo ang kaawa-awang sinapit ng estudyanteng ito.

At mas lalong hindi ko na mapapalagpas ang krimeng ito. Hinding hindi na!

Ngunit natigil ako nang biglang kumilos si Myrttle at walang pasabing ginalaw ang bangkay.

"Myrttle!" Dagli kong tawag sa kanya!

Seryoso sa ba siya sa gagawin niya...

Ngunit sa muling pagkakataon ay natulala ako ng matihaya na nito ang bangkay. Bangkay ng isang babae...

Babaeng—

"Th-That g-girl."

Bulalas ni Linzy ngunit akoy tuluyan lang na napatulala sa babae.

"Siya 'yung babaeng bumangga sayo kanina." Kumpirmasyon ni Agata na tuluyang nakapagpayanig saakin. Pero imbis na titigan ito ay napayuko nalang akong muli..

Hudyat kung saan tuluyan na akong nalunod sa aking galit.

MYRTTLE JOONG

Napatingin ako kay Blaise ng sabihin ito ni Agata. Nawalan ng buhay ang mga mata nito at nakatulala lang sa lupa dahil hindi nito maatim na tignan pa ang bangkay.

Tama si Agata. Siya ang babaeng naka bangga kay Blaise kani-kanina lang. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Bali-bali ang buto ng babaeng ito na sa hinuha ko'y mataas ang kanyang pinagkahulugan.

Dahilan upang mapatingin ako sa itaas ng building na may sampong palapag. Lahat ng estudyante ay nakatanaw dito pero mas maraming estudyante ngayon sa university ground na nakikiusyoso.

Pinagmasdan ko namang muli ang katawan ng bangkay.

Kung iisipin ay may dahilan siyang magpakamatay dahil sa ginawa ni Blaise kanina. Pero, ang nabababawan ako dito. Hindi tinatanggap ng utak ko ang ganoong kababaw na dahilan.

Pero ano ba talaga?

Gulong gulo man ang isip ko ngayon ay may dalawa parin namang pwedeng maging sagot sa katanungan ko. Dalawa lang ang maaring nangyari...

Iyon ay ang mababang posibilidad na nagpakamatay siya.

O ang malaking posibilidad na may nagtulak sa kanya.

Nawala ako sa konsentrasyon ko ng pumangibabaw ang hikbi ni Linzy.

Hindi ko siya masisisi dahil hindi pangkaraniwan sa isang babae ang makakita ng ganitong senaryo. Kami ang responsible sa kaligtasan ng bawat tao sa lugar na ito kaya maging ako ay nakakaramdam ng inis sa nangyayaring ito. Oo, hindi ko siya maaring pigilan sa kanyang pagiyak. Ngunit ikinaiinis ko ito. Ikinaiinis ko dahil ang pagluha nito ay lubos saaking umiepekto.

Bagay na isa lang ang ibig sabihin para sa isang babaeng nagngangalang Myrttle Joong...

At ito ay ang katototohanang napalapit na ako sa taong ito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon