Chapter 34 [Behind the mask]

160K 4.7K 1.2K
                                    

MYRTTLE JOONG

Pasaglit akong napatulala na tila tuluyang inagos ng napakalakas na kabog ng dibdib ko.

H...Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, ngunit ng ako'y matauhan ay marahas kong pinunasan ang pisngi ng maskarang soot-soot ko.

Ano ba talagang problema ng isdang 'yon?! Gusto niya ba talagang matikman ulit ang kamao ko?! Napakalala ng saltik! Pagkatapos akong paiyakin, ngayon hahalikan naman ako?!

Pero kung tutuusi'y hindi naman talaga sa pisngi ko ang halik. Pero bakit ganito akong nag-iinit?!

Ugh Myrttle! Stop over-reacting! Sa Mask ka lang niya hinalikan! Sa mask lang!

Dahil sa inis at hiya ay mabilis na akong nagtungo sa wash room at padabog itong kinandado. Mahirap na't baka may makakita pa sakin tunay na pagkatao.

Nang masigurado na ang aking siguridad ay asar ko ng hinubad ang maskarang soot -soot ko. Ayoko na itong sootin dahil ramdam na ramdam ko parin ang pagdampi ng labi ni Blaise dito! And that's disgusting!

Dahil sa irita'y agad ko lang na hinilamusan ang aking mukha. Pero tuluyang nanlaki ang aking mga mata ng makita ko sa salamin ang aking repleksyon. My cheeks are shaded red and I really don't know what the hell happen!

"Nice Bro, napuruhan mo siya." Rinig ani ng boses mula sa labas ng banyo ng mga babae. Agad ko itong ikinakunot ng noo at medaling lumapit sa pintuan upang mas marinig pa ang mga ito.

"Naman! Kailan ba ako mumintis? Wala, kaya kailangan na natin itong i-report kay big boss."

Ani pa ng mga tao sa labas ngunit ang masamang kutob ko'y nakapagbigay saakin ng dahilan upang maging alerto. Madali kong kinuha ang isang baril na nakatago sa kaliwang hita ko na kanina pa tinatakpan ng soot-soot kong gown. Ang paborito kong hand gun na lagi kong dinadala maliban nalang sa University dahil may scanner doon.

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at mabilis ng lumabas upang sundan ang dalawang taong naguusap kanina.

Pumasok na ang mga ito sa hindi kalayuang men's washroom na agad kong sinundan at tumambad doon ang mga hindi ko inaasahang katauhan.

It's Matt and Raven of Bull Gang!!

Sabi ko na nga ba!

Kitang-kita ko ang mga ito sa sarili nilang repleksyon, disregarding the fact na miski ang sarili kong mukha ay nakita ko doon. I'm in a hurry kaya wala na akong oras para makapagsoot ng Maskara ko.

Pero wala, wala na akong pakialam pa kung malaman man ng mga traidor na ito ang pagkakakilanlan ko. They are the one who killed Benji! And they need to pay for it!

Nanatili lang akong nakatayo sa bukana niyon hanggang sa mapansin na ako ng mga ito. Kitang-kita ko ang takot sa kanilang mga mata. At hindi na ako nag-dalawang isip na patamaan sila ng baril sa hita upang hindi na sila makatakas pa.

"Q-queen" Daing ni Matt habang namamalipit sa sakit.

"Tell me, who the hell is he?! Your big boss!" I coldly asked pointing my gun towards their heads.

"Q-Queen hindi k-ko po a-al—"

Pagtangi ni Matt pero hindi ko na ito pinatapos pa. gigil ko na itong pinatamaan ng aking bala dahilan upang agad na itong mabawian ng buhay.

Ayoko...ayoko ng sinunghaling.

"Matt!!" Sigaw ni Raven na kasalukuyan ng nanginginig sa takot.

I looked at him with anger.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora