Chapter 43: [Phoenix]

139K 4.3K 535
                                    

MYRTTLE JOONG

Palihim akong ngumiti matapos kong sabihin iyon kay Blaise. Nang nakita ko si Kenzie, naisip kong pwede ko silang gamitin para sa maisakatuparan ng misyon ko. Pero biglang pumasok sa isip ko ang deal namin ni Blaise. Natalo ko nga pala siya, gagawin niya lahat ng gusto ko. Actually, hindi naman talaga para sakin ang pagiging slave niya. Para ano? Gantihan siya?

Hindi ako ganun noh, patas ako sa laban. But in the second thought. Oo nga no? Pwede...

* * *

Naihanda na ang lahat ng dahon ng saging na paglalagyan mga pagkaing nakahanda na. Boodle fight ang tawag dito.. Ang sabi ni Ethan kanina, ito daw ay ang paglalagay ng pagkain sa dahon ng saging. At matapos niyon ay doon lahat kakain ng sabay-sabay na lang ang kamay.

Tingin ko naman ay masaya ito kaya naman na e-excite na ako.

Ganado ko lang na inilalagay ang kanin sa dahon ng saging ipinaherera ito.

"Mukhang excited ka ah."

Nagulat naman ako ng bigla nalang lumitaw sa likuran ko si Hunt.

Nginitian ko lang naman ito at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Yeah, ngayon ko lang kasi mararanasan to." Ganado ko lang na sagot sa kanya.

"So you haven't try to use your hands for eating? I mean 'yung magkamay?" Tanong naman ni Ash habang inilagay na ang BBQ sa gitna.

"Ummh nah, we used to do it. But not in here." Turo ko sa dahon ng saging.

"Naku masaya 'to girl maniwala ka. Sila tito Edward lang din ang nagturo samin na gawin to." Sabat din naman ni Linzy.

Talaga? Ang saya naman.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Banas na banas lang akong bumalik sa tuluyan namin dahil sinisigawan na nila akong kakain na! Gutom narin naman ako pero badtrip lang! Nandun si Myrttle!

Langya! Nakakatakot! Ito na ba ang karma ko?! Sino ba nagpauso ng Slave slave thingy na 'yan! Pati tuloy ako nadadamay sa ganto! Aghh!

Tahimik lang akong lumakad sa pwesto ng lahat. At kasabay ng bawat lakad ko ang malakas na pagkabog ng puso ko!

Langya! Nakakakaba!

"Himala tahimik ka boss ah." Gulat akong napatingin sa harapan ko at nakahinga ng maluwag ng makitang si Landon lang pala ito!

"It's none of your business Ace." At sinamaan ko na siya ng tingin.

Takte! Ang akala ko kung sino na!

Itinaas ko na ang ulo ko at nakita kong abala na ang lahat sa paghahanda ng pagkain sa dahon ng saging.

At ako? Paki ko dyan. Gusto ko lang kumain, wala kong balak maghanda. Dapat lang no! Ako kaya leader nila. Tama lang na pagsilbihan nila ako kahit na m...

"Buhay prinsipe ka dyan ah. Hiwain mo nga 'yung litson." Napalundag ako at napaayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa kubo nang marinig ko ang boses na iyon.

Langya! Si M-Myrttle!!

"A-Ah e-eh....Tsk! Yes boss!!" Asar kong sunod sa kanya padabog kong kinuha ang kutsilyo at inis na sinaksak sa tyan ng baboy.

AUTUMN BANBINI

Masama ko lang tinignan si Blaise ng lumakad na siya sa papunta sa kinaroroonan namin.

"Teddy, look at him," Hinarap ko si Teddy kay Ugly Blaise. "Ang panget niya hindi ba? I hate him Teddy. He always makes Myrttle notice him!"-Asar ko pang tingin dito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now