Chapter 33: [ Goodluck]

129K 4.5K 363
                                    

ETHAN ROMSAY

"S-Sino?!" Pilit at mahinahon kong tanong kay Hunt. Peron g tinignan lang ako nito na tila wala akong balak sagutin ay hindi ko na mapigil ang galit ko.

"Sino?! Sino ang nakita mong may gawa nito?!" Sigaw kong tuluyan na bumalot sa katamihikan ng buong klinika.

Lagi nalang siyang ganito! Lagi nalang niyang inililihim ang lahat! Dahil akala niya may magagawa siyang maganda kung ililihim niya! I know Blaise told me to calm down. But in this situation?!

HINDI KO NA KAYANG KUMALMA PA!

Sa sobrang inis ay agad ko na itong kinuwelyuhan dahilan upang marahas kong nailapat sa dingding ang kanyang likuran.

But damn it! Bakit wala parin akong naririnig na sagot!

"Bakit hinayaan mo pang masaktan si Ash! Bakit ka ganyan Hunt! Huh, Bakit?!" Sigaw ko pa sa pagmumukha nito.

All this time! All this time nakatunganga lang ito samantalang alam niya naman pala talaga nito kung sino ang may gawa! Huwag niyang sabihing may dahilan siya dahil WALA!! WALANG KWENTA ang dahilan na iyon kung nasaktan na si Ash! Wala!!

Nakakainis!! Nakakainis!!

Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala!! Pero kaibigan ko siya! At hindi ko siya kayang saktan!

"Ethan ibaba mo na si Hunt." Hawak ni Landon sa braso ko. I just gave him a glare but he just throw it back to me.

"I saw it, It's from Black bull Gang." Sa wakas nitong sagot dahilan upang tuluyan kong mabitawan si Ash.. Natulala ako sa narinig ko dito. Bagay na paunti-unting bumabaon sa utak ko na nagpapasidhi lalo sa galit ko.

Bakit...Bakit nila nagawa ito..

Nanginginig kong iniyukom ang palad ko na nauwi lang sa hawi ko ng paulit-ulit sa buhok ko papataas.

Magbabayad sila, Pagbabayaran nila to!!

"Enough."

Pagbabayaran nila 'tong kawalang hiyaan nilang 'to! Pagbabayaran nilang si Ash ang nagawa nilang i-frame up!!

Kaya pala, kaya pala nakuha pa nilang ngumiti matapos kong sapakin ang lalakeng bumato kay Ash dahil sila ang may kasalanan.

"AHH!!! "

Pagwawala ko at tuluyan nang nawalan ng kontrol sa galit ko. Mabilis kong sinuntok ang pader ngunit....ikinagulat ko ng pigilan ito ni Blaise....

"I said enough, Ethan."

Natauhan naman ako sa aking ginawa at tuluyang napabalik sa realidad ng mapatulala ako sa dumudugong kamay ni Blaise na ngayon ay kinababaunan ng aking kamao..

He stopped me, and now his hand are bleeding because of me. Nakadikit ito sa pader habang ang likuran ng palad niya ay sugat dahil sa lakas ng suntok ko. Napahampas ito sa pader ngunit hindi niya ito ininda.

"Hindi makakatulong ang hindi mo paghinahon. Dapat ay magpasalamat nalang tayo dahil nakita ni Hunt ang lahat. At least, alam na natin kung sino dapat ang pagbuntunan ng galit." His cold and serious look calms me down.

He may not be a perfect leader for us but he really knew how to handle us. He knew how to calm us down at hindi ito napagod na intindihin kami. I'm not mad at him when he says he will going to handle Jenny's case. Because we knew, that he had his reason. We trust him. At ang tiwalang ito ay sapat na para sa amin upang panghawakan.

I switched my gaze to Hunt and reach my hand to him. Dahil nakaupo parin ito sa sahig matapos ko siyang kwelyuhan.

"Hunt." Mahinahon kong abot sa kamay ko kasama ang aking nahihiyang ngiti.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now