Chapter 63: [The Fall]

181K 4.5K 1.2K
                                    

I dedicate this Chapter to JLAgorita
And ajedera (Ann Joarec Edera)
^_~

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

HUNT SPARK

"Hindi kita maintindihan tss." Dismayadong sambit sakin ni Rain Montague at umalis na ito sa harapan ko. Ngunit imbis na maglumpasay sa sakit ng mga latigo at sa mga sugat ngayon saakin katawan dahil sa mga Montague ay isang ngiti parin ang gumuhit sa labi ko.

Nakayuko akong napangiti ngunit napawi namang agad ang ngiting iyon ng maramdaman kong may nakatingin saakin.

Agad akong napatunghay sa nilabasang pinto ni Rain ng makita ko ang lalaking may dala sakin sa silid na ito.

It's him. Cloud Montague.

Malalam lang ako nitong tinititigan at ganun din naman ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang mata nito dahil sa nagparang abo nitong kulay dahil sa liwanag ng buwan. Hindi ko rin maiwasang mapakunot ng noo at sa wakas ay para bang natauhan siya sa ginagawa niyang pagtitig saakin at nagsimula na nito akong talikuran at nawala na ng tuluyan sa aking harapan.

Napatumba ako sa sahig dahil sa sakit ng mga sugat na patuloy na nanunot hanggang sa aking buto. Nakakatawa mang isipin, pero dapat ko pa atang ipagpasalamat sa kanya ang nangyaring ito ngayon.

Pero bakit? Anong dahilan mo Cloud Montague? Anong dahilan mo para gawin pa ang bagay na ito?

~*~

Sumarado na ang bakal na pinto at gumaan na sa wakas ang paghinga ko dahil sa wakas ay nakaalis na si Ash at ang dalawa pa nitong taong prinoprotektahan sa loob ng Hall. Ang buong akala ko ay wala na akong magagawa upang mailabas sila dito at mabuti nalang ay nakaisip pa ako ng paraan. Ako ang tumapos sa mga buhay ng kung lahat ng babaril sa kanila at hindi ko hinayaang madaplisan man lang sila ng bala. They knew na anak ako ng isang Sparks kaya nang humarang na ako sa pwesto nila Ash ay hindi na nila nagawang magpaputok pa.

Pero, hindi ko maiwasang masaktan parin sa nakita kong sitwasyon ni Kiera kanina. Rinig na rinig ko ang bawat salitang sinasabi ni Kiera sa likod ng malamig at matibay na bakal na pintong iyon. At para bang lahat ng ito ay waring mga karayom na unti unting tumutusok sa puso ko. Hindi ko na makaya pang makinig sa hinanakit ni Kiera sa kabilang bahagi ng Hall kaya naman gumawa na ako ng paraan upang ilabas si Ash sa lugar na ito. Hinding hindi ko hahayaan pa ang sarili kong madagdagan pa ang kasalanan ko sa taong matagal ko ng mahal. At mas lalong hindi ko maatim n makitang mamatay si Ash sa harapan ko. Hindi....

And its true, Mahal ko si Kiera. At matagal ko na itong nadiskubre. Kada lalapit ito saakin, kada kakausapin niya ako ay damang dama ko ang malakas kabog ng dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Kada magtititigan kami ay para bang natutulala ako sa kagandahan ng kanyang mga mata. Kada alam kong malapit siya ay para bang nagkakaroon ako ng hindi mawaring saya.

Hindi ko alam na ang pakiramdam palang ito ang tunay na pagmamahal. At oo, mas nahigitan ng nararamdaman kong ito ang naramdaman ko kay Dayle noon. Pero nakakadismayang isipin na hindi ko man lang nabigyan ang sarili ko ng pagkakataon para iparamdam ang pagmamahal kong ito kay Kiera bago maging ganito na ang sitwasyon. Hindi ko man lang nabigyan ng katarungan ang aking kasiyahan kahit sa maikling panahon man lang.

Pero sino bang niloloko ko. Ni hindi ko nga alam kung talaga lang bang hindi kami magkasundo ng kapalaran dahil sa hindi ako nito hinahayaang maging masaya. Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga ako dapat mabuhay.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now