Chapter 3

9 0 0
                                    

Ravier pulled the chair for us. Mas gentleman pa 'tong kaibigan namin kesa sa tunay na lalaki eh.

"Waitress!" tawag ng kaibigan namin sa babaeng nakatalikod sa amin ngunit kumukuha pa ata ito ng orders ng nasa table in front us.

"So, who's that mysterious someone ha? Bakit hindi ko alam, Erin. Nakakatampo" panimula ko sa usapan

I don't have an idea kasi kung sino, Erin is just into flings lang before and hanggang gano'n lang siya dahil sa sobrang taas ng wall na iniingatan niya. Nakakapagtaka lang na mukhang sa history ay may someone na nakasira ng wall niya, it looks like na-fall ang loko tapos ending nasaktan. Kaya pala gano'n na lang ka-drama, may nanakit nga talaga.

Nasamid pa ang bakla sa tanong ko "True ba Raiah? aww hindi mo alam, I felt so special" acting like umiiyak

Erin just rolled her eyes "Anong you felt so special, hindi ko naman sinabi sa'yo, chismosa ka lang talaga, nahuli mo lang"

I am currently using my serious tone "Kailangan pa pala mahuli para lang malaman, anong nangyari and kailan pa, Erin?" bakit kasi nagtatago sa akin eh

Erin look at Ravier and her look ay parang nagsasabi na 'mamaya ka sa'kin'

"Si ate mo na halatang hulog na hulog tapos hindi man lang sinalo, diba Erin?" sabay kindat ni Ravier

"Last na punta mo nga rito sa Province 'no?" nagtatanong na sabi ni Erin Kay Ravier at tumango lang ito.

So two months since then lang?

"Why didn't you tell me right away?"

I grew up understanding that there's always a reason behind everything.I found it funny, because there's someone who told me that, but he's also the one who left me without any of it.

Bigla na lang singit sa usapan ni Ravier "Hey guys sa bahay niyo na 'yan pag-usapan, mage-enjoy lang tayo ngayon" after saying that bigla na lang the girl is already on her way papunta sa table namin to get our orders, ang dami siguro order ng kabilang table that's why natagalan siya.

She's so damn fine, I don't know but the waitress is giving an extra vibes na nakakapull ng attention wearing her work uniform and cap.

Bigla na lang napatayo ang kaibigan namin nang makalapit na ang waitress "What the? seriously?!?" hindi maipinta ang reaction niya habang nakatingin sa waitress.

Tinignan ko si Erin para sana mag-ask but I just saw how she looked away. And the thing that also got my attention ay kung paano niya biglang hinampas ng marahan ang kamay ni Ravier na tila warning sa kung ano.

What's happening in the world, damn confusing so much.

"Good morning, ma'am/sir! What's your order po" ani ng waitress habang nakangiti

Pinaupo ko muna si Ravier, lagot talaga 'tong dalawa sa akin. Para na akong masisiraan ng ulo kakaisip.

Ako na ang sumagot sa waitress ng order namin dahil mukhang wala sa katinuan ang mga kasama ko.

"Is that all po?" tanong ng waitress sa akin

I answered her yes and then she repeated all of our orders to check if tama lahat.

"Thank you and enjoy!" the last words the waitress left on us

Matapos ang lahat, both of them ay kalmado naman na. However, there's something in the atmosphere, I can sense the uncomfortable feeling.

Dumating na ang order namin but iba na ang nagserve nito. Kinuha ko na ang coffee ko and while having a sip, gosh hindi caramel latte 'to . Favorite ni Erin ang nakuha ko, the hazelnut latte.

I was holding the coffee "Erin that's mine, nagkapalit tayo ng order. Pero wait a minute, what's this?" I saw a note na nakadikit sa coffee ni Erin

"Forgiveness is an art, much like brewing a new sense of rich flavor in coffee that lingers on the palate with a sip and forgetting about the bitter grounds of the past" basa ko ng malakas, sakto lang para marinig ng mga kaibigan ko

It's so deep, like omg? kanino galing 'to? why is it attached to Erin's order? blablabla ang dami ng tanong na naglalaro sa isip ko, dumagdag pa 'to sa hahanapan ko ng sagot.

Suddenly na lang tumayo si Erin after ko basahin ang note "I think I need to use the bathroom, wait for me guys!" masigla niyang sabi but visible naman na she just doing it to mask up her feelings again. Her eye speaks louder than her actions.

Naiwan kaming dalawa ni Ravier, I'll take the opportunity na to ask him about some matter.

"Alam ko nasa isip mo, go ahead. Mag-ask ka na, pero limited lang ang alam ko ha" sabay wink sa akin

Natawa ako sa wink niya, hindi marunong.

"Hmm, bakit at paano mo nahuli?"

Tumatawa siya sa akin "Parang pareho lang naman 'yong thought ng tanong, pero I believe that...eme heto na nga ang chikabels." seryoso na sabi niya na

"Diba ayon nga balikan lang naman ako no'ng nagpunta ako here sa Province niyo and habang nasa biyahe ako papunta sa inyo nakita ko familiar na car naka-park malapit sa nag-iisang flower shop, 'yong maganda along the way"

Tumango ako bilang pagsangayon, oo alam na alam ko ang lugar na iyon. Pero iba na ata ang may ari ngayon.

"Tapos ayon, to make sure if kay Erin 'yong car bumaba ako and incheck ko but walang tao sa loob pero surelaley na ako na kay Erin nga 'yon, with the thought na andoon siya and akala ko magkasama kayo baka gumala, you know. Pumasok ako sa loob but wala akong makitang anino so naglibot ako sa paligid at hindi ko naman intention na sa sobrang paghahanap umabot pa ako sa likod ng shop and gosh guess what? nadatnan ko ang dalawang girl na nakaupo sa small bench and magkahawak sila ng kamay but right after seeing that bigla na lang nasampal 'yong isang babae. You don't believe me, pero yeah si Erin ang nagslap and they both crying pala. The scene na hindi ko naman sinasadyang mapanood" ani Ravier ng tuloy tuloy

I can't believe this talaga, hindi maprocess sa isip ko. Ibig sabihinnnn that someone who broke the wall that Erin kept for so long is a........woman???

Embracing Certainty Where stories live. Discover now