Chapter 26

0 0 0
                                    

Gusto kong tabihan si Erin, gustong gusto ko siyang samahan pero baka marinig niya ang paghikbi ko kaya nanatili na lamang ako rito sa living room. Nahihiya ako para sa sarili ko, nahihiya na rin ako kay Erin. Parang hindi ko kayang humarap sa kan'ya ng hindi iniisip na katulad rin ako sa dahilan ng nararamdaman niya.

I don't know what to do anymore. Gusto kong makasama ang papa ko pero ayoko na lang malaman ni Erin na magkapatid kami.

Lalo ngayon we're working in the same building, sobrang liit ng mga mundo para magtagpo kaming tatlo.

Hindi ko muna siguro kikitain ang papa ko, mas kailangan maging maingat. Everything is not easy, nakakaubos.

The best thing that I can do now ay ang bumawi sa kaibigan ko.

Kakaisip ng mga bagay bagay ay nakatulog na rin ako.

I filed a leave, approximately of 1 week, gano'n din ang mga kaibigan ko, Erin, Havenn, Alen and naisipan din nsmin ni Erin ayain si Ravier buti na lang at napapayag. Here we come, magvacation to unwind and relax our mind.

Ang target destination namin ay sa Zambales, there's so many beautiful beaches there. Lalo mainit pa naman ngayon, sarap magswimming.

Sobrang saya talaga magroadtrip tapos kami pa nagsama sama. Ang ginamit naming car ay ang car ni Havenn, open ang roof nito, bongga. Eto kami ngayon dinadama ang hangin habang kumakanta kasabay ng tugtog. I'm the passenger seat and ang dalawang parang may something ay nasa likod while Ravier is the third wheel. Mabilis lang din nafit si Ravier sa circle of friends namin dahil magkakapareho lang namang kalog. Natatawa na lang kami Kay Havenn, pinapainggit kasi namin siya. Siya ang driver kaya hanggang sabay sa kanta lang ang magawa niya.

While on our way ay nagdodocument ako ng pictures and videos. Angtagal pala talaga ng byahe, napagod din sila kaya nakatulog ang dalawa, Erin and Alen. I took a picture of them sleeping together. Bigla na lang sumingit si Ravier sa picture sabay pout. No'ng una normal lang pwesto nila eh, hindi namalayan nakasandal na ulo ni Alen sa balikat ni Erin. Sa lovelife ng iba na lang talaga ang kilig. Nag-apir pa kami ni Ravier. Sa lalaki rin pala ang bagsak ni Erin.

Nakarating din kami, the sound of the waves and the view was so mesmerizing.

We are all wearing sunglasses, turista lang ang datingan. I am just wearing white dress above the knee. Erin wearing a sando croptop and long skirt, Havenn wearing a tube and square pants, Alen wearing a shirt and taslan short and Ravier wearing a sando and short.

I feel the fresh wind brushing against my skin. Naisipan ko na lamang kuhanan ng litrato ang paligid, habang sila Havenn busy magpapicture ng sarili, their photographer ay si Ravier.

I posted it in my story sa ig with a caption 'a place to breathe' and pumunta na sa mga kaibigan ko, hindi naman ako palapicture na tao pero heto napilitan ako.

"Hawakan mo 'yong palda mo like this oh" turo sa akin ni Erin habang hawak ang magkabilang side ng palda niya at umikot pa

"Wear your beautiful smile, lady with a white dress" wika ni Ravier at napahalakhak naman ang mga kaibigan ko, pinagtutulungan niyo ako ah katampo, eme

Kanina pa kasi sila nasstress sa akin dahil wala akong matinong picture because I'm not photogenic naman kasi, I don't know how to pose.

Pagkatapos nito ay tumuloy na lamang kami sa nirentahan naming house and nagrest. Magnanight swimming na lamang kami sa pool mamaya and bukas na sa dagat.

Ang sasarap ng tulog nila pagod na pagod lang sa byahe ah, while me I can't sleep naeexcite na kasi ako magswimming huhu. Nagphone nalang ulit ako.

I checked who viewed my story. Huh? hindi kami mutual ah. Stalker lang atake. Ay joke, ako rin pala. Okay, quits na lang kami.

Nagscroll scroll na lang ako hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog din pala ako.

Nagising ako at nagaasikaso na sila. Nakabihis na rin ang mga ito, daya hindi man lang ako ginising.

Dibale madali lang naman pala ang gagawin ko, tinanggal ko lamang ang dress ko sapagkat ready naman na ang pangswimming ko sa loob. Nakatube ako and short. Pare-pareho pa kaming tatlo ng suot. Magkakaibalang ng color haha cutie. Nakawhite ako, si Erin ay blue and Havenn ay black.

We took pictures and diretso swimming. We just enjoyed the night. Naglaro rin kami parang bata na nakawala sa kural. Patagalan sa ilalim ng tubig, wisikan labanan at paunahan maglangoy langoy.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now